Aj Raval 'inimbitahan' ang mga basher na magkomento sa kanyang post

Viral sa social media ang Facebook post ng aktres na si AJ Raval kaugnay sa kanyang mga basher na ‘wag daw mahiya ang mga ito na mag-comment sa kanyang post at ilabas nila ang kanilang galit.

“Maraming taong mas pinipiling maging bobo kesa piliin na maunawaan at maintindihan ang sitwasyon ng iba,” aniya.

Winelcome ng aktres ang kanyang mga basher na magkomento sa kanyang post. Sinabi pa nito na ‘wag silang mahiya.

“Welcome sa lahat ng bashers comment lang kayo. Feel free to bash don’t be shy ilabas n’yo yang galit nyo na makakatulong sa buhay n’yo at sa ika uunlad ng Pilipinas. Cool lang tayo dito guys, Wag nyo masyado seryosohin. #BondingW/Bashers,” dagdag pa niya sa kanyang ‘ironic’ post.

Marami naman ang nagkomento, at mayroon ding nambastos sa aktres. Sinabi ng isang netizen na maghubad na lamang daw si AJ dahil ‘di daw puwede sa kanya ang topic na pang matalino.

Mayroong Facebook user na nag-comment ng larawan ni Kylie Padilla na may caption pang “The legal,” tumugon dito si AJ at nagkomento ng tatlong heart na emoji.

“Ba’t kailangan pa kase sa meron asawa ba’t hindi sa binata sis??” tanong ng isang netizen na sinagot naman ng aktres na wala namang kaugnay sa tanong “Sinong iboboto mo ngayong eleksyon?”

Sa kabila ng mga natatanggap ng aktres na pambabash ay hindi naman nawala ang mga sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Naiintindihan umano nila ang kakaibang post ng aktres na hugot mula sa mga taong nanghuhusga sa kanya.

Don’t mind the bashers and negativity. Love you my dear sister. Smile okay? Mwahhhhhh.”

“Marami po kaming nagmamahal sayo ate Aj, favorite actor ko po ang daddy mo hanggang ngayon po. Sana makapa-picture ako sayo.”

 

“Hindi dapat natin husgahan ang isang tao, hindi tayo perfect and lalong hindi tau diyos para manghusga… Hindi n’yo alam kung ano ba talaga ang nangyayari close doors learn to respect someone specially if you don’t know what they are going through! AJ stay positive! Lilipas din yan, para sa akin favorite pa rin kita.”

“Wag manghusga ng kapwa walang taong perpekto, tandaan n’yo yan tao lang tayo lahat tayo may pagkakamali at di natin un ginusto un ang paraan ni lord para matuto tayo bumangon at ipagpatuloy ang buhay be happy lang. Hiram lang ang lahat tandaan nyo yan.”

Post a Comment

Previous Post Next Post