'Oh, Coco!' Netizens namangha sa Chanel hangers ni Heart

Namangha, naaliw, at napa-“sana all” ang mga social media user matapos makita ang larawan ng Chanel hangers na ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista.

Sa Instagram, ibinahagi ni Heart ang litrato ng tatlong Chanel hangers na ang caption lamang ay, “Oh, Coco!”

chanel hangers

Pero sapat na ang imahe ng mga hanger na mayroong Chanel logo para agad na mag-iwan ng komento ang mga netizen sa nasabing post. May mga nagsabing gusto rin nila ng nasabing hanger, habang ang iba naman ay naalala ang kabataan nila kung kailan napapalo sila gamit ang hanger.

chanel hangers

Ang Chanel ay isang kilalang French luxury fashion house na sinimulan ng founder nito na si Coco Chanel noon pang early 1900s at nakilala sa buong mundo dahil sa eleganteng fashion items na nililikha nito kabilang na ang dresses, blouses, suits, at iba pa.

Ayon sa GMA News, ang mga hanger na ibinahagi ni Heart ay may katumbas na P2,305.46 hanggang P2,869.02 per piraso.

Heart’s tip for guilt-free shopping

Kamakailan ay kinaaliwan si Heart dahil sa kanyang tip sa mga misis na gustong mag-shopping pero ayaw masita ng kanilang mister.

“Little shopping. Well it is almost my birthday. It’s also our anniversary, So l’ll be giving his gift in advance,” pagbabahagi ng hardworking actress and influencer na kilala sa paggamit ng luxury items.

“Balancing act,” aniya. “‘Pag gumastos ka for yourself need mo din gift asawa mo para ‘di ka pagalitan!”

chanel hangers

Marami ang naka-relate sa ginawang ito ni Heart at mayroon din namang mga nakakuha raw ng idea para sa mga susunod na shopping spree nila.

“Hahaha! Natawa ako sa part na binilhan si Chiz para ‘di pagalitan,” wika ng isa. “Lahat relate diyan.”

“Ganiyan nga ‘pag na-shopping ka dapat bilhan din si hubby para ‘di pagalitan pero itago mo muna iyong half ng shinopping mo bago ka magpakita,” sabi naman ng isa na may karagdagang tip pa.

Ikaw, may maibabahagi ka rin ba?

Post a Comment

Previous Post Next Post