'Naniniwala ako sa karma': Barbie hinding-hindi raw papayag maging other woman

Ginagampanan ng aktres na si Barbie Imperial sa bagong series na The Goodbye Girl ang papel ng isang babae na walang kaalam-alam na other woman pala siya. Bagama’t nauunawaan ng aktres ang situation ng karakter na si Kiera, hindi raw nakalilimutan ng aktres kung ano ang mali sa pagiging third party.

barbie other woman

“In defense naman kay Kiera, gulatan din kasi ‘yon eh. Nando’n ka na akala mo may something na kayo tapos bigla kang gugulatin na may legal pala na asawa. Parang ‘yong emotion mo noon gulong-gulo. May confrontation naman ‘yong mom and Kiera na gusto naman niya talaga na makipaghiwalay pero hindi niya lang kaya. Wala talagang kamahal-mahal sa mga taong manloloko but sa character ko naman dahil siya ng ‘yong other girl and niloko niya pa rin ‘yong wife ni Turs [Daza] sa series, ang konting-konting kamahal-mahal sa character ni Kiera is that bumawi naman siya sa huli,” saad ni Barbie sa ulat ng PUSH.

“I’m not saying na tama ‘yong ginagawa ng mga taong nanloloko or ng mga other girls. Mali talaga ‘yon. Pero ‘yong ibang tao kasi talaga, ‘pag mahal nila ‘yong tao bulag ka talaga eh, ‘di ba? So mali pero also imagine the pain na pinagdadaanan ng tao na ‘yon. Pero mali pa rin. At the end of the day, kailangan babawi ka talaga. Itatama mo ‘yong mali mo,” pagpapatuloy niya.

barbie other woman

Sa tunay na buhay, hindi raw kailanman papayag si Barbie na maging other woman o kumunsinti ng sinumang third party sa isang relasyon.

”Basta for me, if may ibang tao ka na nasasaktan and alam mo talaga na nasasaktan sila, tapos ginagawa mo pa rin, for me mali talaga ‘yon. I think depende sa sitwasyon, to be honest. Kasi maraming other women na hindi nila alam na other women so kawawa sila, ‘di ba? Pero kung alam nila na other woman sila at pinapasok pa rin nila ‘yong gulo na ‘yon, alam na nila na may legal na girlfriend or wife, hindi talaga. Ayoko. Naniniwala kasi ako sa karma eh, na kung ano ‘yong pinaparamdam mo sa isang tao, ipaparamdam ‘yan sa ‘yo balang araw,” aniya.

barbie other woman

Post a Comment

Previous Post Next Post