Hindi flowers ang pa-Valentine's: BF ni Kiray ipina-tattoo ang pangalan ng aktres

Muli na namang pinakilig ang aktres na si Kiray Celis ng kanyang kasintahang si Stephan Estopia matapos itong magpa-tattoo naman ngayon ng pangalan niya.

Sa isang Facebook video, ikinuwento ni Kiray na sinamahan niya ang kanyang kasintahan na magpa-tattoo noong Valentine’s Day ngunit nasa labas lamang siya dahil surprise daw ang kung anumang ipinata-tattoo ni Stephan.

“Nandito ako sa labas ng All Day Tattoo sa QC dahil meron daw surprise sa akin si Jowa na tattoo,” aniya. “Na naman! Tattoo na naman! Hindi ko alam ’yong pinagawa n’ya, pinalagay n’ya. Ewan ko sa kanya. Ngayon naghihintay ako dito sa labas…nganga! Pero sabi n’ya mabilis lang naman daw. So, tingnan natin.”

Paglabas ni Stephan, ipinakita nito sa kanya ang bagong tattoo na “Kiray Celis” ang nakalagay.

kiray tattoo

“Ito ’yong gift ko sa kanya, surprise ko talaga sa kanya. Iniba ko talaga kasi karamihan talaga pag-Valentine’s magbibigay ng flowers. Ito talaga… Iniba ko. Tattoo naman,” paliwanag niya.

Nagustuhan naman ito ni Kiray lalo na at hindi naman daw talaga siya mahilig sa bulaklak.

“Dahil hindi talaga ako ma-flowers na tao, iniba n’ya. Tattoo naman ang regalo n’ya sa akin. Galing…I love you, Dad,” tugon niya.

Matatandaang nauna nang ipina-tattoo ni Stephan ang mga mata ni Kiray.

kiray tattoo

Kiray: Loyal lang hiniling ko pero binigyan ako ng may pa-iPhone 13 at Louis Vuitton

Matatandaang ilang beses na ring ipinahayag ni Kiray kung gaano niya ipinagpapasalamat ang kasintahan niya. Simple lang daw ang hiniling at pinangarap niya: isang lalaki na magiging loyal at walang ibang mamahalin maliban sa kanya. Ngunit ang dumating, higit pa sa kanyang inakala. Bukod sa pagmamahal, talaga namang nag-e-effort din ang kasintahan niya upang bigyan siya ng mga regalo at materyal na bagay magdadagdag pa ng saya.

“Loyal na lalaki lang hiniling ko. Pero binigyan N’yo ‘ko ng lalaking may pa-iPhone 13 na, may pa LV (Louis Vuitton) pa! Huhuhuhu! Christmas gift na raw niya sa’kin. HAHAHAHAHAHA! I love you, Stephan Estopia!” saad niya sa capt

kiray tattoo

Post a Comment

Previous Post Next Post