Alodia Gosiengfiao sumailalim sa liposuction, sinabing ‘great investment’ ito

Ang slim na vlogger, nagpa-liposuction? ‘Di nga?

Hindi malayong isipin na walang katotohanan para sa isang taong slim na tulad ni Alodia Gosiengfiao ang sumailalim sa isang liposuction treatment.

Ngunit hindi; mismong ang celebrity beauty doctor na si Vicki Belo ang nagsabi  na merong unwanted fats ang vlogger.

Kamakailan ay sumailalim si Alodia sa liposuction at sinabi nitong gusto niyang gumanda sa harap ng camera kapag nagsusuot siya ng iba’t ibang costume.

Sa isang vlog na inilabas ng Belo Medical Group, inamin ng cosplayer na gumagamit siya ng corsets para ibalik ang kanyang hourglass figure.

“Recently I’ve been wearing a lot of corsets for my costumes, ganyan… so we have this nice hourglass shape,” wika ni Alodia. “Before I can do spandex, mga latex, ganyan, okay lang. My silhouette was okay.”

“But now siyempre I try to compensate, try to make it better through other ways,” dagdag pa niya.

Kasama umano sa procedure ni Alodia ang liposuction sa kanyang upper abdomen, lower abdomen, at waist, at paglipat ng taba sa kanyang balakang.

Pabiro naman niyang sinabi, “Mas masakit pa ‘yung nagpa-laser ako ng mata. Ngayon parang puwede na akong mag-stream.”

Pagkatapos ay ipinakita sa vlog si Alodia na bumalik sa clinic ni Belo pagkalipas ng dalawang buwan, at may nakikita nang resulta ng liposuction.

“Look at that, it’s gone. I don’t have a puson anymore,” saad ng cosplayer. “Before kasi I have a puson, like you can grab it. Even if I exercise, hindi siya nawawala… But now it’s gone,” aniya.

Masayang ibinahagi din ng cosplayer na mas maliit na ang bewang niya, “From 27 to 24… Parang 10 years ago pa ‘yon nangyari.”

“I don’t have to wear a corset anymore. Kasi before natatago ko lang with a corset,” ani Alodia.

Sinabi rin niya na isa itong magandang investment para sa kanyang katawan, “I definitely recommend this is the one best investment you can do to your body.”

 

Nagbahagi naman si Alodia sa kanyang IG ng nakapang-ensayo na kasuotan at ipinakita dito ang mala-hour glass shape niyang katawan.

Ano’ng masasabi n’yo dito?

Basahin: Tingnan: Sinayang meme-inspired billboard ni Alodia nasa EDSA na

Post a Comment

Previous Post Next Post