Dahil lagi raw nakababad sa bahay ni Diego, Barbie Imperial ‘natalakan’ ni Mommy Teresa?

Sa latest episode ng ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ ay napag-usapan nina comedian at entertainment reporter na si Ogie Diaz, Mama Loi, at Ate Mrena ang hiwalayan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na kamakailan lang ay kinumpirma na rin ng huli.

Ayon kay Barbie sa isang panayam, naging maayos naman ang hiwalayan nila ni Diego ngunit hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye.

Nang tanungin naman kung ano ang natutunan niya sa pag-ibig, sinabi niyang napagtanto niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

[Basahin: Barbie Imperial kinumpirmang hiwalay na sila ni Diego Loyzaga]

Subalit sa showbiz update ni Ogie, sinabi nito na ayon umano sa kanyang source, parang medyo nakakasakal daw na karelasyon si Barbie. Dagdag pa ni Ogie,  noon umanong nasa bansa pa si Diego, lagi raw nakatambay ang aktres sa bahay ni Diego at parang binabantayan nito ang boyfriend.

Hindi na yata nakatiis ang mother ni Diego na si actress Teresa Loyzaga at nabitawan ng medyo matatalas na salita ang noo’y nobya pa ng kanyang anak, paglalahad ni Ogie.

Nasabihan daw ito ni Teresa ng, “Iha, wala ka bang ibang gagawin, baka may iba ka pang trabaho… parang gano’n. So in short, parang gusto na siyang pauwiin. Kasi nga nandoon sa… nakababad sa bahay nila,” pagbabahagi ni Ogie. May katotohanan kaya?

Pero in fairness, ipinagtanggol din naman din ni Ogie ang 23-anyos na aktres.  Sadyang ganoon lang daw siguro magmahal ang aktres –‘All mine to give’ raw.

Sabi ng ni Barbie, “Natutunan ko na baka paulit-ulit na nangayayari sa akin ‘to kasi hindi ko talaga minamahal ‘yong sarili ko. Kasi it’s like all the same stories each boyfriend so for me parang what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ‘yong mahalin ko.”

Nag-agree naman sina Mama Loi at Ogie sa naging tugon  ni Barbie na sarili naman niya ang kanyang mahalin.

“Tama naman ang naging desisyon ni Barbie. Mahalin niya ‘yung sarili niya. Ang importante lang, natanggap na niya ‘yung nangyaring hiwalayan sa kanila ni Diego. At ngayon ay naka-move on na siya, looking forward na siya, kaya Barbie ha, tuparin mo ‘yang sinabi mo at ipinangako mo sa sarili mo na mahalin mo naman ang sarili mo,” sabi ni Ogie na sinegundahan naman nina Mama Loi at Ate Mrena.

Panoorin (8:20:

Post a Comment

Previous Post Next Post