Puno ng pasasalamat ang aktor na si Alwyn Uytingco sa kanilang pagdiriwang ng 12th anniversary ng misis na si Jennica Garcia.
Matapos kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay noong Mayo 2021, nakitang nagkabalikan ang mag-asawa noong Oktubre. Mula noon ay gumugugol sila ng oras kasama ang kanilang mga anak na sina Athena Mori at Alessi.
Upang markahan ang kanilang espesyal na araw, nag-date ang mag-asawa sa Pinto Art Museum sa Antipolo.

“Alam naman nating lahat, isang milagro ang ma-celebrate ang 12th anniversary namin. Muntik na nga matapos sa 11th year (Opo, dahil po sa’kin. Ako po ang may sala. Sorry na po),” saad sa kanyang Facebook acocunt.
“Napakahalaga sa akin o sa amin na maipagdiwang ang [anniversary] namin kasi isa siyang malaking blessing talaga,” anito. “Nagplano ako [nang] mabuti para sa araw na ’to.”
Sinabi ni Alwyn na noon pa man ay gusto nang bisitahin ni Jennica ang museo. Bago umuwi, huminto sila sa isang hardin na nagpaalala sa kanya ng “Avatar” ni James Cameron.

Pagbabalik tanaw ni Alwyn, “May isang linya sa pelikula na, ‘I see you, Jake Sully.’ Imagine, sabihin sa’yo na nakikita ka niya. Hindi lang yung pisikal na anyo mo, pero ina-acknowledge niya yung presence, kapasidad, worth mo.”
“Noong nag rewatch ako ng ‘Avatar,’ mas mabigat na sa’kin ang mga salitang ito, ‘I see you,’ na parang mas matimbang pa ito kaysa sa ‘I love you.’”
Ginamit niya ang linya para ipahayag ang kanyang pagmamahal kay Jennica. Nagpasalamat din siya dahil tinanggap pa rin siya nito sa kabila ng kanyang mga kasalanan.
“Nanay, salamat. Kahit ganito ako, maraming kakulangan sa’yo, maraming pagkakamali at imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years nating pagsasama. Salamat sa pagmamahal,” ani Alwyn.
“I see you, Jennica. Mahal kita.”

Basahin: Dasal ni Jennica Garcia na magkabalikan sila ng asawang si Alwyn dininig ng langit
Bago magkabalikan, nilinaw ni Jennica na hindi sila naghiwalay ng kanyang asawang si Alwyn dahil sa pera. Humingi naman ng paumanhin si Alwyn kay Jennica sa mga pagkakamali nito na ibinahagi naman niya sa kanyang IG.
Sina Alwyn at Jennica ay nagpakasal noong Pebrero 2014 at mayroon silang dalawang anak.