Ama ni James Reid, pinabulaanan ang balitang 'for good' na ang aktor sa US

Bumaling sa social media ang ama ni James Reid na si Malcolm Reid kamakailan para pabulaanan ang mga usap-usapan na mananatili na USA ang kanyang anak.

Ayon sa kanyang post, pansamantala lamang umano ang pananatili ng aktor sa Amerika.

Itinama ni Malcolm ang mga ulat na si James ay permanente nang mananatili sa Amerika upang ituloy ang kanyang career doon.

Sa Instagram post, makikitang kasama ng ama si James sa NAIA kamakailan lamang.

“With James at NAIA a few days ago,” isinulat ni Malcolm sa caption.

Aniya, ang aktor ay lumipad sa Los Angeles para sa mga recording sessions nito at upang bisitahin na rin ang kapatid niyang si Andrew Reid.

“On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it,” wika ng ama.

Sinabi ni Malcolm na ang anumang iba pang impormasyon maliban sa ibinigay niya ay basura o hindi makatotohanang balita.

“Anything else is basura … Sorry to disappoint the fake newsmakers,” mariing paliwanag ni Malcolm.

Basahin: James Reid nagtungo na sa LA para sa bagong yugto ng kanyang pangarap?

Kamakailan nga ay naging usap-usapan sa social media platform ang paglisan ng aktor na si James Reid.

Binigyan ng farewell party si James ng kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay bago ito umalis patungo sa Los Angeles, USA.

Makikita sa mga larawan ng kanyang despedida ang pagyakap at pagsasaya ni James kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ayon sa ilang nakakakilala sa aktor-singer, pupunta si James sa LA para ituloy ang kanyang mga pangarap.

Lumabas din sa Instagram story mismo ni James ang cake na may dedication na, “Bon Voyage and Good luck James Reid.” 

“They threw James Reid’s despedida last night. I know he’s going to leave for LA pero it still can’t wrap my head around it – too surreal,” tweet ni @livelikepotter.

Post a Comment

Previous Post Next Post