'Where did my little munchkin go?' Ina Raymundo hindi makapaniwala na malaki na ang anak na si Jakob

Hindi makapaniwala ang aktres na si Ina Raymundo na malaki na ang kanyang anak na si Jakob Poturnak.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ina ang larawan nila ni Jakob na mas matangkad pa sa kanya ngayon.

Sinabi ni Ina na mas mukha pa itong kuya at hindi mo aakalain na anak niya ang 17-anyos na si Jakob dahil mas matangakad pa ito sa kanya.

“The upside to having a tall son, he looks like my ‘Kuya,” saad ni Ina sa kanyang IG post.

Napatanong na lamang ang 46-anyos na aktres kung saan na napunta ang kanyang “little munchkin”  na makikita sa isang throwback photo noong baby pa ang kanyang anak na lalaki.

“But on a serious note, where did my little munchkin go?” ani Ina.

Samantala, natuwa naman ang mga netizens kay Ina dahil “artistahin” look ng anak nito.

“Bakit po ang pogi!!!! Pwedeng pwede maging leading man sa mga Nicholas Sparks movies!!”

“Ang pogi!!!!”

“So much gwapo naman talaga mala-brad pit ang dating wow!”

Noong 2021, buong pagmamalaking ibinahagi ni Ina sa IG na ang kanyang anak ay isa nang college baseball player sa US, at naglalaro sa Xavier University sa Cincinnati, Ohio.

“After many years of hard work and dedication to baseball, my son is now officially a Xavier Musketeer,” ani Ina sa kanyang post; “to be playing D1 college baseball is one of the best achievements in your life, Jakob. We are so proud of you.”

Si Jakob ay anak ni Ina sa Ukrainian-Canadian businessman na si Brian Poturnak na pinakasalan niya noong 2003.  Bukod kay Jakob ay mayroon silang apat pang anak na sina Erika Rae, Mikaela Jade, Anika Sage, at Minka Eve.

Post a Comment

Previous Post Next Post