Love wins! Hindi ito prank, totoo na!
Ang comedy-superstar na si Vice Ganda at ang kanyang kasintahang si Ion Perez ay ikinasal na pala sa Las Vegas noong Oktubre 19, 2021.
Ang rebelasyon ay inilabas nila sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa kanyang YouTube channel, kung saan ipinakita niya ang mga snippet ng kanilang paglalakbay sa Las Vegas noong nakaraang taon.
“What Really Happened In Las Vegas” ang ipinamagat niya sa kanyang latest Youtube video.

Noong panahon ding ‘yun ay may concert tour na pinuntahan si Vice sa US.
Ikinasal ang dalawa sa Little Vegas Chapel kung saan legal ang pagpapakasal para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa Estados Unidos.
Nagpalitan din ng wedding vows sina Vice at Ion sa wikang Filipino.
Pagkatapos ng seremonya ay ipinakita ng mag-asawa ang kanilang mga singsing at Certificate of Commitment na pareho nilang nilagdaan.

Masayang ipinagmalaki at ibinida ni Vice ang kanilang Certificate sa kanyang vlog.
Samantala, Oktubre naman ng taong 2019 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon.
Ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ikatlong anibersaryo noong Oktubre 25.
“3 years of not giving a fuck about other people’s thoughts and judgments. 3 years of just being unapologetically in love and happy. I love you Noy! And I love winning in life with you!” nakasaad sa caption ng post ng komedyante sa IG.

Si Ion ay unang sumali sa “It’s Showtime” bilang Kuya Escort sa Miss Q&A segment ng noontime show.
Congratulations, Ion at Vice Ganda!
Ang video na ibinahagi ni Vice ay umani ng maraming papuri at pagbati sa dalawa. Umani na ng mahigit 1.1 million views ang bagong upload pa lamang na video sa YouTube.
“Been a fan since 2013 and I’ve witness your heartbreaks and watching this, naiiyak akoooo”
“Grabe din talaga ang Love ni Ion kay Meme. Thank you for making our Meme Happy and Special.”
“Ang sarap sa feeling na may taong gustong macommit sayo!! I’m in a lgbt relationship as well for almost 6 yrs!!”
Samantala, matatandaan na hindi pa rin naisasabatas ang same-sex marriage sa Pilipinas.
Panoorin ang video ng kasal nina Vice Ganda at Ion Perez: