Ang Kapamilya aktres na si Jessy Mendiola na asawa ng TV host-aktor at komedyante na si Luis Manzano ay nagbahagi ng behind-the-scenes video mula sa ‘pasabog’ na pictorial.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng maikling video ang aktres na may caption na “This is it! My last pasabog pictorial before I turn 30 and before I get preggy! Thank you so much to the whole team for helping me pull this off! Laban lang! Visit my channel and watch the BTS video! LINK IN BIO.”

Sa video clip makikita ang kagandahan at hubog ng katawan ng aktres. Ginawa niya ang special pictorial dalawang buwan matapos ang kanyang ika-29 na kaarawan.
Mukhang malapit nang maging handa ang mag-asawa sa pagbuo ng kanilang pamilya! Ito’y base sa kanyang ‘before I get preggy’ caption sa nasabing post. Matutuwa ang Mommy V (Vilma Santos) kapag magkakaroon na ng apo ; mapa-Little Jessy o Little Lucky man ‘yan.
Nagpasalamat si Jessy sa buong team na nag-asikaso para maging matagumpay at bongga ang kanyang hot at sexy photoshoot na umani naman ng magagandang reaksyon at komento mula sa mga followers.
View this post on Instagram
“Grabe, parang paatras ang edad mo!”
“Stunning and beautiful!”
Iba talaga !!
Basahin: Couple Jessy at Luis, walang prenup agreement
Kamakailan sa isang virtual conference ng #BEMORETHOUGHTFUL ay nabuksan ang usapin tungkol sa mag-asawa.

“Wala, wala, wala kaming prenup. Am I mad? No. It is realistic for people to have a prenup pero wala, wala kami.”
Sinabi ni Luis na handa na siyang maging daddy ngunit sa loob ng ilang buwan bago pa man sila mag-wedding anniversary (February 21) ay pinutakti na sila ng mga tanong at komento kung sinusubukan na ba nilang bumuo ng pamilya.
“It wasn’t simply asking her if kailan kami magba-baby but people were bombarding her. Doon siya nai-i-stress na ‘bakit ka nag-work out?’ ‘Hindi pa ba kayo nag-try mag-baby? Bakit ka nagpapa-abs?”
Samantala, nasa YouTube Channel na niya ang: “MY PASABOG PICTORIAL BEFORE I TURN 30”