PDL sa BJMP-Naga, nakapagsulat ng libro sa ikalawang pagkakataon

Ang pagsusulat ang naging libangan ng isang  preso upang pansamantalang makalimot sa mga pinagdaraanan.

Si Pat Alon ay isang person deprived of liberty (PDL) sa Naga, Camarines Sur na nakapagsulat ng libro sa ikalawang pagkakataon.

Apat na taon nang nakapiit sa Naga City District Jail ang 34-anyos na si “Pat Alon.” Inamin naman niyang mahirap ang buhay sa piitan lalo pa at malayo siya sa kaniyang pamilya.

Sa kabila nito, mas pinili niya na maging makahulugan at produktibo pa rin ang kaniyang oras kaya nagsusulat siya ng mga sanaysay, tula, at nobela.

Ayon sa Bicol.PH, highschool pa lang daw si Pat ay hilig na daw nito ang pagsusulat.

Ang nobelang “Rehas is Real” ang una niyang naisulat noong 2020. Ngayong taon, panibagong libro naman ang kaniyang nailathala na pinamagatang “Under the Pili Trees.”

Mas pinili niyang isulat ang nobela sa wikang Ingles para mas mapalawak ang mga mambabasang maaabot ng kaniyang libro na isang taon niyang tinapos.

Ang fictional life ng mga pangunahing tauhan sa Under the Pili Trees, ay isang kuwento tungkol sa pagmamahal, responsibilidad at pagtanggap.

Ito rin ay tungkol sa determinasyon, tiyaga, at pangako at ang kahulugan ng pamilya at mga pagpapahalaga sa pagkakaibigan.

Aniya, ang pagsusulat ang nagiging daan niya upang pansamantalang makalimot sa mga pinagdaraanan.

Maraming netizens ang napabilib kay Pat dahil sa angking galing nito pagdating sa pagsusulat. Naging inspirasyon din siya ng karamihan.

“‘Yung balahibo ko, tumindig!!!! grabeeeee, the power.”

“I wish you win Palanca or Nobel Prize. Keep on writing. It is the other way how to make one’s life significant and worth living.”

“Lahat talaga ng nangyayari sa buhay natin maganda man o hindi laging may dahilan. Very inspiring.”

“Goodluck sana maging daan e2 sa magandang buhay…continue to write and be inspired to write more. God bless.”

Post a Comment

Previous Post Next Post