Isang pasyente sa U.S. na may sakit na leukemia ang unang babae at ang pangatlong tao na gumaling sa HIV matapos umanong makatanggap ng stem cell transplant mula sa isang donor na ‘naturally resistant’ sa virus na nagdudulot ng AIDS, iniulat ng mga mananaliksik noong Martes, ayon sa ABS CBN.
Ang kaso ng isang 64-anyos na babae na may halong lahi, na iprinesenta sa Conference on Retroviruses and Opportunisitic Infections sa Denver, ay siya ring una sa paggamit ng umbilical cord blood, isang mas bagong pamamaraan na maaaring magamit sa mas maraming tao.

Mula nang matanggap ang cord blood para magamot ang kanyang acute myeloid leukemia, ang babae ay nasa remission na umano at virus-free na sa loob ng 14 na buwan, nang hindi na nangangailangan ng mga mabisang paggamot laban HIV na kilala bilang antiretroviral therapy.
Ang dalawang naunang kaso ay nangyari umano sa mga lalaki – isang puti at isang Latino – na nakatanggap ng mga adult stem cell, na mas madalas na ginagamit sa bone marrow transplants.
“This is now the third report of a cure in this setting, and the first in a woman living with HIV,” wika ni Sharon Lewin, President-Elect ng International AIDS Society, sa isang pahayag.

Ang kaso ay bahagi ng mas malaking pag-aaral na suportado ng U.S. na pinamumunuan ni Dr. Yvonne Bryson ng University of California Los Angeles (UCLA), at Dr. Deborah Persaud ng Johns Hopkins University sa Baltimore. Nilalayon nitong sundan ang 25 taong may HIV na sumasailalim sa transplant gamit ang mga stem cell na kinuha mula sa umbilical cord blood para sa paggamot ng kanser at iba pang malubhang kondisyon.
Ang mga pasyente sa pagsubok ay sumasailalim muna sa chemotherapy upang tunawin ang mga cancerous immune cells. Pagkatapos ay inililipat ng mga doktor ang mga stem cell mula sa mga indibidwal na may partikular na genetic mutation kung saan kulang sila ng mga receptor na ginagamit ng virus upang makahawa sa ibang cells.
Naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga indibidwal na ito ay magkakaroon ng immune system na lumalaban sa HIV.

Sinabi ni Lewin na ang mga bone marrow transplants ay hindi viable strategy para mapagaling ang karamihan sa mga taong nabubuhay na may HIV.
“Confirms that a cure for HIV is possible and further strengthens using gene therapy as a viable strategy for an HIV cure,” ani Liwes.
Iminumungkahi ng pag-aaral na ang isang mahalagang elemento sa tagumpay ay ang paglipat ng mga selulang lumalaban sa HIV. Dati, naniniwala ang mga siyentipiko na ang isang karaniwang stem cell transplant side effect na tinatawag na graft-versus-host disease -kung saan inaatake ng immune system ng donor ang immune system ng tatanggap – ay may papel sa isang posibleng lunas.
“Taken together, these three cases of a cure post stem cell transplant all help in teasing out the various components of the transplant that were absolutely key to a cure,” saad ng President-Elect ng International AIDS Society.
Panoorin para sa dagdag kaalaman: