'Love that doesn't include honesty'...: IG story ni Julia Barretto, hugot o pang- Valentine's?

Ang Kapamilya aktres na si Julia Barretto ay nagbahagi sa kanyang Instagram Story ng isang quote na “Love that doesn’t include honesty doesn’t deserve to be called love.”

Agad naman itong napansin ng mga followers nito sa IG at ini-repost pa sa Twitter ng Showbitz and more, ngunit ang nasabing quote ay nawala na rin sa IG ng Aktres.

May misunderstanding kaya sila ng kasintahang si Gerald Anderson? O baka naman nagustuhan lang niya ang linyahan sa kanyang binasa na mula sa thriller novel ni Alex Michaelides na The Silent Patient?

Samantala, kaka-upload lamang ni Julia sa kanyang YouTube Channel ng kanilang nature trip kasama si Gerald.

Matatandaan na hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga netizens nang nagkaroon sila ng relasyon. Kalaunan naman ay may mga tagahanga na ring tumanggap at sinuportahan ang pagmamahalan ng dalawa.

Maging ang pamilya ni Julia ay palagi na ring kasama ang magkasintahan sa kanilang mga family gatherings. Ang ina ni Julia na si Marjorie ay nauna na ring nagpahayag ng kanyang suporta sa dalawa.

Sa programang Ogie Diaz Showbiz Update, sinabi ni Ogie na ang pinakagusto ni Marjorie kay Gerald ay ang paggalang niya sa pamilya at kung paano nito inaalagaan ang kanyang anak. Isa pa, si Gerald umano ang pinakanagustuhan niya sa lahat ng mga lalaki na na-link kay Julia.

Sabi ni Ogie, “Gustong-gusto daw niya si Gerald for Julia. Napakamarespeto raw ni Gerald. Tapos kung gaano niya alagaan si Julia.”

Matatandaan na inamin ni Gerald ang kanilang relasyon ni Julia sa isang one-on-one interview  ng TV host na si Boy Abunda noong Marso 5, 2021.

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Post a Comment

Previous Post Next Post