Viral ngayon sa social media ang nakaaaliw na kuwento ng newlyweds na nabalutan ng kalahating milyong piso sa kanilang ‘money o prosperity dance’ noong araw ng kanilang kasal.
Ang bagong kasal ay nakilalang sina Juliemae at Mark Quinto sa kanilang bonggang prosperity dance sa Ilocos Sur.
Sa Facebook account ni Juliemae ay ibinahagi niya ang mga larawan nang sila ay ikinasal noong Pebrero 6, 2022, kalakip ang matamis na mensahe, “Here’s to love, laughter and happily ever after!”

“Mamang and papang gave us 500k as their gift on our wedding para panimula namin. Nagsimula lang noon sa pashare share sa newsfeed about the prosperity dance and we never imagined na gagawin din nila un sa amin.”
“We’re not expecting anything since sabi nila we came abroad and merong savings and syempre may mga gifts din ang guest, ninongs and ninangs about 300k. But when we did our second prosperity dance ayon gulat kami kase may nilabas silang ganito and because of their love sa amin,” saad sa FB wall ni Juliemae.

Ang kanilang naipon na pera ay agad naman nilang ipinasok sa banko, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Hindi rin nila lubos maisip na magti-trending online ang kanilang money dance at sa mga nagkokomento ng mga negatibo ay pinili na lamang nilang hindi ito pansinin.
“We never imagined ourselves na magiging trending so for those nagcocomment ng sana all, expect the unexpected and for those nagsasabi ng negative its your opinion and i don’t care!” aniya.

Mapapa-‘sana all’ ka na lang talaga. Napakagandang panimula sa inyong buhay bilang mag-asawa.
Ang money o prosperity dance ay isang tradisyunal na sayaw sa kasal dito sa Pilipinas. Ito ay tanda ng magandang kapalaran at tulong pinansyal din habang nagsisimula ang mag-asawa sa kanilang panibagong paglalakbay sa kabanata ng kanilang buhay.
Congrats at Best wishes sa inyong mag-asawa!
Panoorin: