Kaugnay sa bagong proyekto na katatapos lamang i-shoot ng aktor na si Baron Geisler ay nagpost ito ng pasasalamat, na binanggit din ang pagiging supportive ng asawang si Jamie.
Ang proyekto ng aktor sa Vivamax ay may pamagat na ‘Pusoy’ sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza.
Sa Instagram post, pinasalamatan niya ang lahat ng nakasama sa set ng pelikula at sinabing nagtrabaho talaga siya para sa pamilya.

Sa ibinahagi niyang larawan ay pinasalamatan din niya ang pagiging supportive ng kanyang misis sa proyekto niyang ito at ang mga kasama rin niya sa set.
“Maraming Salamat po sa lahat! Nagtatrabaho lang po para sa pamilya. I value my family so much. Sobrang supportive ng asawa ko basta maayos lang. GODSPEED!” sa comment section ni Baron.
Tumugon din naman si Jamie at binati ang buong team. Nagpasalamat din siya, “Congratulations, team Pusoy and most especially to my husband for a superb performance as always.”
May pag-aalinlangan pala sila noong una?
Ayon kasi kay Jamie, “We were very hesitant to take on this project but we have full trust in Sir Brillante Mendoza, Center Stage Productions, and Viva Entertainment that this will be tastefully done with utmost professionalism from everyone. Thank you!”

Kamakailan ay matapang na ibinahagi ng misis ni Baron Geisler na si Jamie ang tungkol sa isa umanong Viva Talent at katrabahong aktres ng kanyang asawa.
Nag-book umano ng sasakyan papunta sa kanyang lugar ang babae para lamang makipag-inuman doon si Baron kahit pa alam nito na may drinking problem ang aktor.

Basahin: Ogie kay Baron Geisler: ‘Akala ko kasi complete withdrawal na sa pag-inom’
Si Baron Geisler ay isa sa mga maituturing na mahuhusay na artista sa Pilipinas. Kamakailan lamang, naging bahagi siya ng kontrobersyal na pelikulang ‘Tililing‘ na tumatalakay sa mental illness ng mga tao lalo na ngayon dahil sa pandemya.