Elisse Joson, McCoy De Leon pinabinyagan na ang anak na si Felize McKenzie

Pinabinyagan na ng celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson ang kanilang anak na si Felize McKenzie noong Pebrero 27.

Sa Instagram, nag-upload ang Next by Metrophoto ng mga snaps mula sa binyagang naganap; pati na rin ang mommy Elisse sa kanyang IG stories.

Ang baptismal reception ay ginanap sa Museo de Padilla sa Quezon City.

 

Sa mga larawan, makikitang naroroon sa okasyon ang pamilya at malalapit na kaibigan ng mag-asawa, kabilang ang aktres na si Sofia Andres at komedyante na si Pooh.

Welcome to the Christian World, Baby Felize!

 

Baby Felize

Ipinakilala ng dalawa si  Baby Felize sa episode ng reality show na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, kung saan bumalik sila ng PBB house para tanungin si Big Brother kung pwede ba itong maging ninong ng kanilang baby.

Pag-amin ni Elisse, hindi umano nila pinlano ni McCoy kung paano ipakikilala ang kanilang anak sa publiko.

Gayunpaman, sinabi niya na wala umano silang rason ng kanyang partner para itago si Felize sa mundo.

“There’s no reason for us to hide it. There’s no reason to keep her away from other people… I think it was the right time na kasi kaya na namin i-handle kung anuman ’yung challenges thrown our way. So, we were ready,” aniya.

Nagkakilala sina Elisse at McCoy sa kanilang stint bilang housemates sa reality show na Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2016.

Sa kalaunan ay naging opisyal na magkasintahan sila, ngunit naghiwalay noong 2018.

Gayunpaman, pagkatapos ng isang taon na magkahiwalay, kinumpirma ni McCoy na nagkabalikan sila ni Elisse sa isang panayam noong Hunyo 2021.

Post a Comment

Previous Post Next Post