May mensahe ang Megastar at aktres na si Sharon Cuneta para kay Senator Leila de Lima na limang taon nang naka-detain sa Camp Crame. Bahagi ito ng ‘Solidarity Message on Senator Leila M. de Lima’s 5th year of unjust detention’.
“We haven’t forgotten about you. Frankie and I adore you and pray for you, and you are so courageous and inspiring and you should not be in there,” ani ng aktres sa kanyang video message.

“We really miss you out here. We need you more out here. You can do so much more out here. And we keep praying that you be allowed out soon or that you are out, somehow by God’s grace and never-ending mercy.”
“I keep praying for you, Senator Leila and I hope to give you a big hug when I see you finally. Hopefully sooner than we all expect. Frankie and I love you. God Bless you po!”
May mensahe din ang bise Presidente na si Leni Robredo sa Senator. Aniya, “Limang taon mo nang pinatutunayan: Walang pader na kayang magkulong sa matapang, matapat, at masigasig na paglilingkod sa bayan.”
Sinabi rin ni VP Leni na miss na miss na raw niya ang Senator.
“Miss na miss ka na namin, Sen. Leila. Kasabay ng pagdarasal namin para sa iyong kalusugan at katatagan, patuloy naming igigiit ang katotohanang inosente ka.”

“Na isang kalapastanganan sa mga Pilipinong nagtitiwala sa iyo ang ginawang pagkulong sa iyo. Na kailangang mahalal kang muli sa Senado para hindi mamayagpag ang nilalabanan nating bulok na klase ng pulitika.”
Si De Lima na tumatakbong muli sa pagka-senador ay kinakatawan ni Atty. Philip Sawali sa Tarlac City habang si Robredo naman ay kinakatawan ng anak nitong si Jillian. Si Laya Diokno naman ang kumakatawan sa amang si Atty. Chel Diokno na kumakandidato sa pagka-senador.