Batang kulang ang pera pambili ng cake para sa kaarawan ng ina, tinulungan ng customer

Viral ngayon sa social media ang kuwento ng isang bata na gustong bumili ng cake sa isang bakeshop para sa kaarawan ng kanyang ina na tinulungan naman ng isang customer.

Umantig sa puso ng maraming netizens ang kuwento na ibinahagi ni Angelica Bermoro sa kanyang Facebook account tungkol sa batang nakasabay niya bumili ng cake.

Ang pahayag ni Angelica, nakasabay niya ang bata na nakilalang si Bibo na bibili ng cake para raw sa kaarawan ng kanyang ina na nais nitong surpresahin.

Nilibas ng bata ang pera na papel na tig-bente at sinkweta pesos at mga barya, Ngunit nang bilangin na ito ng kahera mahigit isandaang peso lamang ang dala ng bata.

Dahil kulang ang pambili para sa gutso niyang cake para sa kanyang ina sinabi na lamang nito na ang bibilhin na lang niya ay bigas. “Kulang ang pera ko, ibibili ko na lang ng bigas,” saad ng bata.

Nang masaksihan ng customer ang nakaaantig-pusong eksena, siya na lamang ang nagbayad para sa cake at ipinatago na sa bata ang pera upang mayroon pa rin silang pambili ng bigas.

“Te ako lang palit anang cake te ibalik lang ng kwarta niya para mapalit pana niya ug bugas sa ilaha,” saad ni Angelica.

[Ate ako na lang ang bibili ng cake para sa kanya, ibalik n’yo na lang ang pera para may pambili siya ng bigas.]

Masaya si Angelica na kahit papaano ay natulungan niya ang bata. Natuwa siya sapagkat naisip ng bata  ang kanyang ina at pumunta pa siya sa mall para lamang makabili ng masarap na cake para sa kaarawan ng kanyang ina.

Ang mensahe niya sa publiko, sana’y maging biyaya tayo sa ibang tao at tumulong sa mga nangangailangan.

Ang sarap talagang isipin na marami pa ring handang tumulong; na kahit sa malit na paraan ay may napapasaya tayong mga tao.

Maraming pumuri sa customer sa kabaitan na ipinakita nito na humakot naman ng mga positibong komento.

“God bless your kindness God will reward you.”

“God bless your kindness.”

“Nakakaiyak naman. Thanks for sharing my friend.”

“God bless ma’am more blessing para para marami ka pang matulungan!”

Post a Comment

Previous Post Next Post