Love filled the air nang mag-upload ang aktres na si Cherry Pie Picahe ng isang bagong video kasama ang kasintahan na si Edu Manzano sa kanyang Youtube channel.
Ang reel-to-real couple, na tinawag ding “PieDu,” ay nagsimula sa set ng Marry Me, Marry You at sumikat bilang isang kinakikiligang love team, lalo na nang ihayag nila na opisyal na silang nagde-date sa totoong buhay.
Basahin: Edu Manzano kinumpirma ang relasyon nila ni Cherry Pie Picache
Sa pinakabagong vlog ni Cherry Pie sa kanyang “Slice of Pie” YouTube channel, ibinahagi niya na gagawa siya ng serye ng mga video kasama ang mga taong mahal niya sa buong Pebrero, a.k.a ang Love month.

At ang pinakaunang guest niya, siyempre, ay ang kanyang poging boyfriend na si Edu at gumawa na nga sila ng #AskPieDu series kung saan sinasagot nila ang mga tanong ng kanilang mga fans.
Sa pagpasok ni Edu sa screen, nagbibiro pang sinabi nito na nagseselos umano siya dahil sa “Loves of Cherry Pie’s life” na itatampok sa kanyang vlogs, na tinawanan lang naman ni Cherry Pie. Ipinaliwanag niya na ang kanyang ibang mga love ay ang kanyang mga kaibigan at family niya.
Dumukot na si Cherry Pie ng unang tanong at binasa ito, “Why take the risk of falling in love/being in a relationship with me?”
“Sanay na ako masaktan,” sagot ni Edu.
Sabi niya gusto rin daw niyang i-enjoy ang buhay kaya handa siyang makipagrelasyon kahit na may mga responsibilidad na kaakibat ito. Sumang-ayon si Cherry Pie sa sagot ni Edu.

Ang sumunod na tanong ay tungkol sa kanilang pinaka-kilig na sandali na magkasama.
Agad na naalala ni Cherry Pie ang isa sa kanilang mga date bago sila naging opisyal. Ito’y noong kumain sila nang silang dalawa lang sa restawran na may mga pa-ilaw effect pa. Aniya, parang nasa ‘movie scene’.
Para naman kay Edu, isang kilig moment para sa kanya ang everyday with Cherry Pie. Pinahahalagahan niya kahit ang pinakasimpleng pagsisikap na ginagawa ng katipan tulad ng pagluluto para sa kanya o pagdadala sa kanya ng pagkain.

Ang huling tanong para sa episode ay kung ano ang kanilang naramdaman nang ang kanilang loveteam na “PieDu” ay nag-boom.
Inamin ni Cherry Pie na na-overwhelm sila sa suporta. “Sa edad namin, love team talaga?”
Sila ni Edu ay lubos umanong nagpapasalamat at naantig sa pagmamahal ng lahat para sa kanilang relasyon.
Una nilang inasahan ang ilang negatibong feedback o reaksyon, kaya natutuwa sila na hindi iyon nangyari. Dagdag pa ni Edu, pakiramdam niya maraming tao ang nakaka-appreciate sa relasyon nila ni Cherry Pie dahil ito ay binuo sa pundasyon ng pagkakaibigan kaya alam ng maraming tao na totoo ito.
Panoorin ang nakaaaliw at nakakakilig na vlog: