First time ng tambalan nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa teleseryeng “I Left My Heart in Sorsogon” kaya’t special ito sa kanila, for sure.
Sa panayam ng Chika Minute ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras Weekend” ay nagbahagi sina Kyline at Mavy ng kanilang nararamdaman ngayong patapos na ang Kapuso series.
Aniya, nakaramdam daw sila ng separation anxiety o “sepanx” sa pagtatapos ng “I Left My Heart in Sorsogon.” Nagpasalamat naman si Kyline sa ipinakitang pasensya sa kaniya ni Mavy habang nasa set. Naging pamilya na raw ang turingan nila sa set noong sila’y nasa lock-in taping.

“Nami-miss ko ‘yung feeling na ito ‘yung first serye ko. ‘Yung pagtapak sa set, alam mo, shocks ito ‘yung first show ko ever,” sabi ni Mavy.
“Ang mami-miss ko po talaga, bonding namin. And the food, yes, that’s expected. Pero ‘yung bonding talaga namin iba’t-ibang klase po talaga. Makikita niyo po talaga on screen kung gaano kami ka-close off cam,” sabi naman ni Kyline.

Kahit sa sweet posts sa social media ay hindi nabigo sina Mavy at Kyline na magpakilig pati na rin sa series.
“Siguro ‘yung nakita ko kay Mavy, ang haba ng patience niya, as in, especially to me. Kasi off and on cam, if you only knew guys. Ang haba ng patience niya sa akin and he took care of me sa lahat ng phases ko roon sa paggawa namin ng show,” may kilig na pahayag ni Kyline.

“Besides the journey between Sebastian and Tiffany, there’s also a journey going on outside of the show between Kyline and I. So it was very memorable experience and very nurturing experience. I’d go back to the very first day and go through it all again, and I wouldn’t choose to do it with anyone else but Kyline,” sabi ni Mavy.
Samantala, nasabi ni Carmina Villaroel na pasado si Kyline kung siya ang magiging nobya ng kanyang anak na si Mavy. Ehem. May blessing si mother!