Kinakiligan kamakailan ng napakaraming fans ang mga singsing na suot ng former celebrity housemates na sina KD Estrada at Alexa Ilacad. Tanong ng kanilang mga suporter: Ito na ba ang sign na nagle-level up na ang kanilang ugnayan?
Sa kanilang Instagram stories, makikitang suot nina KD at Alexa ang isang pares ng singsing habang magkahawak ang mga kamay. Walang caption ang mga story, maliban na lamang sa mga Cupid Emoji.

Pero kuwento ng dalawa sa mediacon para sa Closer, ibinigay ni KD ang isang singsing kay Alexa dahil pareho nilang gusto ang mga nasabing Cartier ring.
“Alexa was waiting for me sa taping. We were filming a vlog for Squad Plus and then Lex was guesting. But after that guesting she had nothing to do with the Squad Plus anymore. After her guesting she was just there for three minutes but she waited for me to finish all my vlogs for Squad Plus. It wasn’t short either. It took like six hours. She waited from 9 a.m. to 9 p.m. so that’s really long. When everything was done, we were just sitting on the couch and she was sleeping on my shoulder. As in she was really sleeping. She couldn’t handle the antok na so I just took her hand and I took my ring and then I just put it on her finger. And then I said, ‘Oh it’s too big but it looks nice on you (laughs).’ But when she woke up she noticed the ring,” pagbabahagi ni KD.

Wika naman ni Alexa, nang makita niya ang singsing na inilagay ni KD, hindi naman niya inisip agad na isa itong “promise ring”.
“No naman. Hindi naman ako ganun ka-advanced mag-isip,” natatawang sabi niya. “Of course, I woke up kasi I felt him touching my finger tapos sinuot niya nga ‘yong singsing. I really didn’t think much of it naman kasi he knows naman na mahilig ako sa alahas so naisip ko na baka sinukat lang or tinignan niya lang. I don’t know. So I asked him and sabi ko ‘Why?’ Sabi niya, ‘Wala lang.’ Ang labo din ng sagot. Tapos sabi niya sa akin na lang daw. So sabi ko, ’Sure ka? You can get it naman if you want it back.’ Akala ko pahiram lang.”
Aniya, mahalaga raw ang singsing kay KD dahil iyon ay galing pa sa kanyang ina.
“Kasi that ring is so special to him eh. He would always tell me na first ring niya yun. Binigay ng mom niya. And special naman talaga yung Cartier na ring grabe. So sabi ko, ‘Sure ka ba? Sure ka na? Last chance. Akin na ‘to!’ Binigay naman niya. hindi pa rin ako makapaniwala. I always ask him, ‘Uy if you want it back, you can get it ah.’ I always ask him that kasi alam ko naman na special talaga ‘yon so nahihiya din ako tanggapin,” saad ng aktres.
Pag-amin naman ni KD, ito ang unang beses na nagbigay siya ng singsing sa isang babae kaya espesyal talaga ito para sa kanya.
“Especially the first ring, that’s the most loved ring that I have. I think giving it to Lex was like a symbol. It’s very symbolic talaga,” aniya.
Matatandaang naging makulay pareho ang naging pananatili ng dalawa sa Bahay ni Kuya at marami rin ang nakasaksi sa mga pinagdaanan at pagbabago nila habang nasa loob. Sa bawat pangyayari, nanatili silang dalawa sa isa’t isa bilang matalik na magkaibigan; isang bagay na ikinatuwa ng mga manonood kaya naman nabuo ang fandom ng KDLex. Marami nang umaasa simula pa noon na mapupunta sa next level ang pagkakaibigan nila kahit may kanya-kanya silang maituturing na “apple of the eye” sa loob ng bahay.
