Booky app naglabas na ng pahayag hinggil sa ‘fake orders’ na dumating kay Guanzon

Naglabas na ng pahayag ang Booky app matapos ang ‘fake delivery orders’ na dumating sa opisina ng nagretirong Comelec commissioner na si Rowena Guanzon nitong Miyerkules.

Sa kanilang statement sa Facebook, kinumpirma ng Booky na nakatanggap sila ng ulat hinggil sa ‘fraudulent orders’ na ipinadala kay Guanzon sa pamamagitan ng isa sa kanilang store-partners.

“This is not something we take lightly and is an experience we are learning from,” ayon sa Booky.

“We are in contact with our restaurant partners to help create guidelines and necessary verification procedures for suspicious transactions in order to avoid this from happening in the future,” dagdag na pahayag nito.

Nakiusap rin ang Booky sa publiko na huwag nang idamay ang mga negosyo at mga nagtatrabahong Pinoy sa kanilang ‘politically-motivated agenda’ na mas higit na nakaaapekto sa mga restaurants, delivery riders, at operation team kesa sa mga ‘targeted recipients’.

Noong Miyerkules, umabot sa mahigit limang libong piso ang halaga ng pagkaing dumating sa tanggapan ni Guanzon na wala naman daw siyang kinalaman.

BASAHIN: Comm. Rowena Guanzon nabiktima ng fake delivery orders isang araw bago magretiro

Nasa 6 o 7 umanong hiwa-hiwalay na orders gamit ang food delivery app ang sunod-sunod na dumating sa kaniyang opisina na may kabuuang halaga na P5,390.

Nilinaw naman ni Guanzon na hindi tinanggap ng kaniyang tanggapan ang mga naturang orders. Ipinaalam na rin niya umano sa kinauukulan ang insidente at iniimbestigahan na ito.

Ayon pa sa dating Comelec official, simula pa noong Martes nang gabi ay marami nang bogus delivery orders na ipinangalan sa kaniya.

Si Guanzon ay nagretiro na sa serbisyo nitong Huwebes, Pebrero 3, matapos ang pitong taong paninilbihan sa poll body.

Post a Comment

Previous Post Next Post