Sen. Dela Rosa naging tampulan ng biro ng kapwa senador: 'He should learn from the masters'

Naging tampulan ng biro si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ng kaniyang mga kasamahan habang nasa session hall nitong Miyerkules, Pebrero 2.

Ito ay matapos tanungin ni Senate President Vicente Sotto si Senador Juan Miguel Zubiri kung ano ang pinag-uusapan nila ni Dela Rosa sa likod ng plenary.

“No, because in one interview, a distinguished member of the Commission on Elections mentioned that there was a senator from Davao. I approached the two senators from Davao, which one of them because we have only two senators from Davao,” sagot ni Zubiri.

Ang tinutukoy ni Zubiri ay ang alegasyon ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon tungkol sa isang senador mula sa Davao na nakikialam umano sa disqualification petition laban kay presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Sa kasalukuyan, dalawa lamang ang senador na taga-Davao – si Dela Rosa at si Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Sumingit na rin sa pag-uusap si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon at tinanong kung nasa session hall na ba si Dela Rosa.

Nang kumpirmahin ito ni Sotto, muling nagtanong si Drilon: “So his face was not exactly, you know, parang may nabugbog siya. Totoo ba yun?

Sa pagkakataong ito ay si Zubiri na ang sumagot. Anang mambabatas, “Tinanong ko din yun, Mr. President, hindi daw totoong nabugbog siya.”

Hind rin naiwasang magpahabol muli ng biro si Drilon: “You know, he should learn from the masters, Senator Bong Revilla and Ralph Recto.”

“Nadamay pa ‘yung dalawang nananahimik,” pakli naman ni Sotto.

Nauna nang sinabi ni Guanzon na hindi niya papangalanan ang ‘pakialamerong’ senador dahil alam na raw ito ng kaniyang misis.

Ani Guanzon, bahala na ang naturang senador sa ‘galit na galit’ niyang misis lalo pa’t kumalat na ang kuwento.

“It’s enough for me that his wife already knows and there’s going to be a war in his household,” wika pa ni Guanzon.

Post a Comment

Previous Post Next Post