Lalaki nag-propose sa GF sa pamamagitan ng kwelang 'What's in the box challenge'

Kakaibang gimik naman ang ginawa ng isang lalaki  sa pagpo-propose sa kanyang nobya. Ito’y sa pamamagitan ng ‘What’s in the box challenge’.

Ang laro ay parang ordinaryong laro  lamang na what’s in the box challenge. Ito ang naging trip ng magkasintahan para sa kanilang video content sa kanilang FB page.

Ang inakalang laro at katuwaan lang na challenge ay seryoso pala sa dulo at may kakaibang ‘kilig twist’.

Ang ‘What’s in the box challenge’

Ito ay isang laro kung saan hinahamon mo ang iyong pamilya o kaya ay mga kaibigan na hulaan kung anong bagay ang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagkapa.

Mayroon silang 10 segundo o minuto upang hawakan ang bagay na nasa loob ng kahon at hulaan kung ano ito gamit lamang ang kanilang sense of touch.

Matapos mahulaan ang ilang mga bagay, na kasama pa ang dumi ng aso, nalaman ni Liam na ang pang-apat na bagay ay isang singsing.

At tulad ng inaasahan, si Liam ay naging emosyonal bago napasagot ng “Of course, yes!”

Hindi inaasahan ng nobya ang proposal  sapagkat ayun at pati dumi ng kanilang alagang hayop ay isinali pa sa challenge. Ang pilyo, ‘di ba?

Sa ulat ni Athena Imperial noong Miyerkules sa “24 Oras”, naisip umano ni Von Maglasang ang ideyang ito matapos ma-postpone ang plano niyang mag-propose kay Liam Dangli noong nakaraang taon dahil sa paghihigpit ng travel restriction kaugnay sa pandemyang dala ng Covid-19.

“Almost five years na kami. Do’n sana ako mag-propose sa peak ng Lake Holon with a view,” saad ni Von.

Sa pagpasok nina Von at Liam sa susunod na kabanata ng kanilang buhay, hinimok nila ang iba pang couples na gawin ang kanilang makakaya upang ipakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

“Do it in a simple way na lang kasi ’yung babae, maappreciate talaga nila ’yon,” ani Von.

Ayon naman kay Liam, “Simple effort is okay. Mafi-feel mo pa rin na special ka talaga sa kanya kaya go lang nang go.”

May mga proposals na ring nag-viral dahil sa kakaibang touch o kaya’y  dahil sa good vibes na hatid nito sa netizens.

Kamakailan lang ay may kakaibang proposal na ginanap sa pamamagitan ng online game.

Basahin: Gamer, nag-propose sa nobya sa pamamagitan ng larong ‘Genshin Impact’

Post a Comment

Previous Post Next Post