Ang Youtuber na si Buknoy Glamurr ay nagpahayag ng kanyang saloobin kaugnay sa kanyang pag-‘recreate’ sa karakter na si Cheong-san mula sa trending ngayon na Netflix Korean series na ‘All Of Us Are Dead‘.
Sa gitna ng kasikatan ng bagong zombie thriller series, ilang Pinoy netizens ang diumano’y nakapansin ng pagkakahawig nina Buknoy at Cheong-san. Ang high school student na si Lee Cheong-san ay ginampanan ng K-drama actor na si Yoon Chan-young.

Sa isang TikTok video nitong Miyerkules, ibinahagi ni Buknoy na ang kanyang mga followers ang nagtulak sa kanya na gayahin ang karakter na si Lee Cheong-san ng zombie series.
“Since nasa hype to, ‘yung All Of Us Are Dead series sa Netflix, sabi ko sa sarili ko bakit kaya hindi ko ire-create ‘yung look ni Cheong-san kasi andami rin namang nagsasabi na kamukha or kahawig ko daw,” aniya.
Ngunit pagkatapos ng paggaya sa character kung saan ay nagsuot ito ng uniporme na katulad ng kay Cheong-san sa serye at in-upload ito sa kanyang tiktok account, sinabi ni Buknoy na hindi ito nagustuhan ng mga netizens.

Ang ibang social media users naman ay hindi sumang-ayon sa paggaya ni Buknoy kay Cheong-san at sa pagpapalit niya ng kanyang TikTok username sa ‘Cheongsan ng Pinas’. Kalaunan ay ibinalik ng YouTuber ang kanyang TikTok username sa Buknoy.
“Suddenly, ‘nung ginawa ko ‘yung mga videos na parang Cheongsan look yung atake ko dito sa TikTok, ang daming nainis, ang daming nabwisit or whatsoever. I mean, bakit kailangan niyong mainis kung I’m just doing a content na ikakatuwa ng mga taong sumusuporta sa akin. I mean, it’s common sense. What’s wrong with that?” aniya sa isang video.

Sa Facebook naman ay kumalat ang screenshot mula sa kanyang video at inulan ito ng samo’t saring kritisismo.
Kaugnay sa pagiging kontrobersyal niya noong 2020 dahil sa kanyang “wala kayong mararating” na komento hinggil sa mga tricycle driver, marami naman daw natutunan ang youtuber sa kanyang pagkakamali noon.
“2022 na :)) I learned a lot sa lahat ng nagawa ko in the past. Try naten mag matured guys, btw may mali nanaman ba ‘ko? (WALA) po :)) just to clarify.”