Yorme itinangging ibinili ng mansiyon ang hindi nagamit na P50-M campaign funds

Pinabulaanan ni Manila Mayor at presidential aspirant Francisco ‘Mayor Isko’ Domagoso ang alegasyon na ginamit niya ang sobrang campaign funds noong 2016 para bumili ng mansiyon.

Si Domagoso ay tumakbong senador noong 2016 subalit nabigong manalo. Nauna na niyang inamin sa isang panayam na itinago niya ang P50-M campaign funds na hindi nagastos at nagbayad umano siya ng P9.7-M para dito.

Sa panayam ng DZBB nitong Miyerkules, muling sinagot ng alkalde ang nasabing isyu.

“We kept it properly. I am responsible with money, with God’s mercy,” paliwanag ni Yorme. “Mansion? Oh no, there’s no such thing.”

Hindi naman nilinaw ng opisyal kung saan at ano ang nangyari sa nasabing pondo.

“There was extra money left, so I asked the [proper] government agency, what I am supposed to do with the excess? I was told I should pay taxes, so I followed that as a citizen,” wika pa nito.

Nauna na ring sinabi ng alkalde na wala siyang nilabag na batas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil nagbayad naman siya ng kaukulang buwis.

“Kailangan kasi hawak hawak mo ang pera, e limited ang gastusin mo sa kampanya, sumobra ang donation mo, so tangan tangan mo ang pera, kailangan ka magbayad ng buwis at yun ay lumalabas na income mo,” paliwanag ng alkalde.

Wala rin umanong batas ang nagsasabi na dapat ibalik ng mga kandidato ang kanilang sobrang campaign funds.

Sa usapin naman ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), bukas umano siya sa pagsasapubliko ng nasabing dokumento.

Gayunpaman, ipauubaya niya pa rin sa Office of the Ombudsman at bahala na ang ahensiya na magdesisyon kung dapat bang i-release sa publiko ang SALN ng mga government officials.

Post a Comment

Previous Post Next Post