'E 'di career na lang muna': Francine gusto nang mag-boyfriend pero wala naman daw manliligaw

Sa kabila ng pagkaka-link sa kanyang ka-love team na si Kyle Echarri at sa Kadenang Ginto co-star niyang si Seth Fedelin, nilinaw ng aktres na si Francine Diaz na hindi pa siya nagkakaroon kailanman ng boyfriend.

francine boyfriend

Sa vlog ng well-known broadcast journalist na si Karen Davila, tiniyak ni Francine na “no boyfriend since birth siya”.

“Wala, NBSB po. No boyfriend since birth,” saad niya.

Sa katunayan, kahit manliligaw ay wala rin siya at wala kahit man lang nagko-confess ng feelings sa kanya.

“Wala po, promise po, ang daming hindi naniniwala kapag sinasabi kong wala pang nanliligaw, pero wala po talaga,” natatawang wika ng young actress. “Wala rin naman pong umaamin, e, so parang wala akong reason para mag-boyfriend.”

francine boyfriend

Gayunman, aminado ang aktres na gusto rin naman niyang maranasan na magkaroon ng kasintahan, ngunit wala raw talaga siyang magagawa kung walang may gustong manligaw sa kanya.

“S’yempre, gusto ko rin pong ma-experience kasi feeling ko, ibang love naman ang maibibigay ko sa teenage years ko kaysa sa ‘pag adult na ’ko. E, wala e, so career. Kung wala, e, ‘di career [muna], may pera pa ‘ko.”

Sa kasalukuyan ay Grade 11 na ang kade-debut pa lamang na si Francine. Hindi maikakailang marami na siyang narating bilang artista, pero hindi pa rin daw niya isinasantabi ang pag-aaral kaya kahit abala sa mga acting project ay ginagawan niya talaga ito ng paraan.

francine boyfriend

“Kasi po, palagi rin sinasabi ni Mama na sa showbiz, ’yong fame mo, hindi siya pang-forever. Parang anytime, p’wede kang mawala,” aniya.

“So, maganda ’yung may fall back ka. ’Yon din ang sabi sa akin ni Miss Charo [Santos-Concio], kasi, nag-one-on-one kami before. Parang, ‘Nag-aaral ka pa ba? Kasi, mahalaga ’yan. Ang pag-aartista, hindi ’yan tumatagal. Suwertehan lang. Kung magtatagal ka, e, ’di good. Kung hindi, dapat meron kang fall back,” wika pa niya.

Post a Comment

Previous Post Next Post