Heart, nagregalo kay Chiz para hindi mapagalitan sa pagsa-shopping nito ng luxury items

Muling pinasaya ni Heart Evangelista ang kanyang mga followers sa isang bagong Instagram reel na kanyang ipinost.

Kamakailan ay naglabas si Heart Evangelista ng isang Instagram reel na nagpapakita ng “A day with me”

Ipinapakita sa video kung ano ang karaniwan niyang ginagawa. Bukod diyan, ibinahagi rin niya na nag-shopping siya at bumili ng mga magagarang gamit dahil malapit na rin naman ang kanyang kaarawan.

“Little shopping. Well it is almost my birthday.”

Bumili rin si Heart ng bonggang regalo para sa asawang si Chiz Escudero. Ayon sa kanya, ito ay para sa kanilang nalalapit na anniversary.

“It’s also our anniversary, So l’ll be giving his gift in advance.”

Ibinahagi pa niya ang footage na nagpapakita ng reaksyon ni Chiz nang matanggap nito ang regalo.

Ang mas nakakuha ng atensyon ng mga netizens ay ang kanyang relatable na payo, na tinawag niyang “balancing act”

“Pag gumastos ka for yourself need mo din gift asawa mo para ‘di ka pagalitan!” aniya.

Marami namang netizens ang naka-relate sa kanyang payo dahil ginagawa rin daw nila ito sa kanilang asawa o boyfriend.

Hahaha, natawa ako sa part na binilhan si Chiz pra di pagalitan..lahat relate jan.”

“Ganyan nga pag nashopping ka dapat bilhan din c hubby para d pagalitan pero tago mo muna un half ng shinopping mo bago ka magpakita.”

“So loved your positivity miss heart happy birthday in advance and happy anniversary as well”

“True!!!! Yan din ginagawa ko pag bibili ako ng bag, may pangbawi kay hubby na damit or anything n gusto nya para di halata n nag-lv na naman! Hahaha!”

Samantala, ngayong patapos na ang seryeng  “I Left My Heart in Sorsogon” kung saan gumaganap si Heart bilang si Celeste D. Estrellado-Wenceslao ay posibleng mag-goodbye muna siya sa paggawa ng soap operas.

Aniya sa kanyang tweet, “Acting will always be a first love but for soap operas maybe it’s time for me to graduate. I’ll miss it very much.” 

Post a Comment

Previous Post Next Post