Matapos ang usap-usapang hiwalayan nila ng kanyang mister na si Tom Rodriguez ay naglabas naman ng bagong vlog ang aktres na si Carla Abellana tampok ang pagpapalagay niya ng tattoo.
Sa isang vlog na ipinost niya noong weekend, ipinakita ng aktres ang pulang hugis pusong tattoo sa likod ng kanyang tainga.
“I didn’t feel anything, no pain, whatsoever,” saad ni Carla sa kamera. “It was so comfortable. Ang gaan ng kamay nung tattoo artist.”

Sa kanyang intro, binanggit ni Carla na ginawa niya ang vlog noong ikatlong linggo ng Enero.
Kaya naman masaya ang mga tagahanga ng aktres na may bago na muling vlog ang kanilang iniidolo.
“Finally long wait is over. Thank you momshie Carla for the new vlog.We are so happy knowing that you are happy again.And we already saw again your big smile behind your facemask.Keep it up my dear.”
Napansin ng netizens na hindi na nga nito kasama ang asawang si Tom sa video. Gayundin, napuna ng netizens na wala siyang suot na wedding ring, gayung sa mga nakaraang vlog episodes niya ay suot niya ito.

Ilang “TomCar” fans ang nag-iwan ng mensahe para sa mag-asawa sa comments section ng vlog ni Carla. Marami rin naman sa kanila ang nagpahayag ng pag-asa na magiging okay din ang mag-asawa kalaunan.
Kamakailan ay ibinunyag ni Cristy na isa umanong Kapuso star ang diumano’y nasabing third-party sa mag-asawa.
Binigyang- diin naman ng kolumnista na hindi lang isa ang impormasyong nakarating sa kanila. “Hindi lang po dalawa, hindi tatlo, hindi lima ang aming impormante.”

Basahin: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?
Kamakailan ay naging usap-usapan ang pag-unfollow ng mag-asawang sina Carla at Tom sa isa’t isa sa Instagram.
Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa ang mag-asawa.
Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.