Pinabulaanan ni presidential aspirant at Senador Ping Lacson ang ispekulasyon na maaaring makipagsanib-puwersa siya kay Davao City Mayor Inday Sara-Duterte.
Sa isang pahayag nitong Lunes, iginiit ni Lacson na wala siyang planong iwanan ang tambalan nila ni Senate Presidente Vicente ‘Tito’ Sotto III na kaniyang bise-presidente.

“With all due respect and not taking anything away from Mayor Sara Duterte-Carpio, I intend to stick it out with my Partner, Senate President Vicente “Tito” Sotto III, as my running-mate all the way,” paglilinaw ng senador.
Naniniwala rin umano siya na ganito rin ang nararamdaman ni Duterte-Carpio na running naman ni dating senador Bongbong Marcos Jr.
Ani Lacson, “I believe Mayor Sara feels the same way about her presidential candidate.”
Ipinangako rin ng mambabatas ang magandang buhay sa lahat ng mga Pinoy kapag sila ay nahalal ni Sotto.

Image from BBM-Sara Uniteam
“That said, let me reiterate that the LACSON-SOTTO tandem remains committed to uplift the lives of Filipinos by fixing the ills of government (Aayusin ang Gobyerno, Aayusin Ang Buhay ng Bawat Pilipino) and by going after thieves, especially those in government (Uubusin ang Magnanakaw),” wika pa nito.
Hindi naman malaman kung saan nagsimula ang nasabing usap-usapan subalit nitong weekend ay naglabas din ng kaparehong pahayag si Inday Sara.

Ayon sa anak ng pangulo, hindi niya maaatim na isipin ang posibilidad na palitan ang kaniyang running-mate na si Marcos kahit pa nahaharap ito sa disqualification complaint.
BASAHIN: Inday Sara may mensahe sa mga supporters na ayaw kay BBM: “I cannot be one with you on this”
Samantala, nakakasa na ang proclamation rally ng Lacson-Sotto tandem na gaganapin sa Martes, Pebrero 8, sa Grandstand, Imus, Cavite dakong alas-5 nang hapon.