Carmina kinilig nang binisita ni Zoren sa kanyang lock-in taping

Kilig vibes ang dala  sa social media ng aktres na si Carmina Villaroel, matapos niyang ihayag kung paano siya binisita ni ng mister na si Zoren Legaspi sa gitna ng lock-in taping.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Carmina ang isang boomerang shot  kung saan ay makikitang magkahiwalay sila ng table ng asawa, May maikling video clip din sila ng pag-alis ng asawa.

“My husband is so sweet. I love you tatay @zoren_legaspi kahit maputi na ang buhok ko. Drive safely. #zormina” saad sa caption ng aktres.

Sa kanyang pagbisita ay nag-iwan ito ng scarf at pabirong sinabi ni Carmina na hindi niya ito lalabhan.

“Tatay gave me his scarf. Bye daddy, so near yet so far. Bye! Drive safely, thank you for this scarf,” pahabol niyang pasasalamat sa asawa.

Dagdag pa ni Carmina, “Di ko ‘to lalaban para maamoy kita.”

Samantala, sa Instagram account ni Zoren, nag-post siya ng cute na photo na kasama ang kanyang asawa. “Visited…so near, yet so far @mina_villarroel “

Sa larawan, parehong makikita sina Zoren at Carmina na nakaupo sa magkaibang mesa dahil sa health protocols na dala ng pandemic.

Kahit kailan talagang pinapakita ng mag-asawang Zoren at Camina na mahal nila ang isa’t isa. Sana all!

Basahin: Carmina emosyonal sa pag-alis para sa lock-in taping: Kaya bilib ako sa mga OFW

Samantala, kamakailan ay naging emosyonal ang aktres dahil kailangan niya munang iwan pansamantala ang kaniyang mag-anak para sa lock-in taping ng Kapuso drama series na “Widows’ Web.”

“​​Here I go again. Yes, I’m such a cry baby. Time for hotel quarantine and lock in taping for Widows’ Web ‘til March. Kuya @mavylegaspi had work kaya wala sa video. I will miss you tatay @zoren_legaspi @cassy @mavylegaspi my dad and my fur babies! I will be home soon. I love you all!” sabi niya sa caption.

Post a Comment

Previous Post Next Post