Judy Ann, happy mom dahil nakatanggap na ng bakuna sina Lucho at Luna laban sa COVID-19

Happy mom! Yes, masaya si Judy Ann Santos na ang kanyang mga anak na si Luna, edad 6,  at si Lucho, 11-anyos, sa wakas, ay nakapagpa-vaccine na laban sa COVID-19 noong Lunes.

Ibinahagi ng host-aktres ang ilang larawan ng kanyang dalawang anak sa Instagram na kuha sa lugar kung saan sila nagpabakuna.

“Finally!! Our little ones got their first dose of Pfizer vaccine today! The waiting time is very forgivable bilang drive thru vaccine, the kids are not exposed to a lot of people… plus the effort that DOH put and the team of doctors headed by dr. @ayenuguid and dr. @romeonuguidmd, with them are more than 50 nurses and doctors facilitating the vaccination,” saad ni Juday sa kanyang caption.

Ayon kay Juday, mayroon mga Cocomelon na maskot at mga babaeng nakasuot ng Anna at Elsa mula sa animated na pelikulang “Frozen” upang aliwin ang mga bata sa panahon ng pagpapabakuna.

Nakakatuwa naman at kakaiba ang gimik ng mga facilatators dahil hindi masyadong matatakot at kakabahan ang mga batang magpapa-vaccine.

Maraming natuwa na mga followers at mga kilalang personalidad sa pamilya ni Juday sapagkat naging modelo ang mga anak sa pa-vaccine. May mga iba din kasing nag-aalingan sa mga bata.

Nainggit ako???? Galing!!!! – pauleenlunasotto

‘Di ba… ginagawa naman lahat ng govt nakakatuwa. Salamat po Agonzillo family for being a model.

Ang saya ng set up!! Parang gusto ko magpabakuna uli! Hats off to all the frontliners,

Wow!!! Nice!! Tapang na bata oh! good job kids!!!

Sinimulan ng Pilipinas ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19 sa Metro Manila noong Lunes pagkatapos ng ilang araw na pagkaantala dahil sa “logistical challenges”

Ang rollout ay palalawakin sa buong bansa dahil layunin ng pamahalaan na ma- inoculate ang humigit-kumulang 15 milyong mga bata sa nasabing pangkat ng edad, naunang sinabi ng DOH.

Post a Comment

Previous Post Next Post