Charo Santos sa mga kabataan: 'Save 10% of what you earn, 'Wag kang ma-tempt na gastusin'

Ang kilalang aktres at executive ng telebisyon na si Charo Santos-Concio ay nagbigay payo kaugnay sa ‘Finances & Health’ sa isang press conference na naglulunsad ng bagong kampanya ng Sun Life Philippines.

Sa layuning matugunan ang mga kabataan tungkol sa paghahanda para sa mga bagay na walang katiyakan sa buhay, inilahad ni Charo ang kanyang mga karanasan sa pagharap sa krisis, sa kanyang karera at personal na buhay.

Ikinuwento rin niya ang kanyang asawang si Cesar Concio, na nagkasakit sa panahon ng pandemya bilang paalala na maging mapagbantay kahit na sa magandang panahon ng ating buhay.

Tinalakay rin niya kung kailan mainam magsimula mag-invest at mag-ipon. Ibinahagi rin niya ang kanyang mga ‘realizations’ sa panahon ng pandemya.

Aniya, kung ‘di naman kailangang gumastos ay itabi ang labis na pera at isipin na para ito sa kinabukasan at pang-emergency na pangangailangan. Payo niya, “‘Save 10% of what you earn, ‘wag kang ma-tempt na gastusin.’

Hindi natin alam kung kailan darating ang mga bagay na hindi natin inaasahan.

Ayon kay Charo, “There was a time during the pandemic where my husband was in and out of the hospital. He is now in his best condition.

“Hinarap ko ‘yung takot ko sa COVID, I was there with him every step of the way in his journey to wellness.”

“If there is one thing I recognize and I appreciate about myself is that inner strength, that sense of resilience that I have,” pagbabahagi niya ng kanyang mga saloobin sa oras na iyon.

“I learned the meaning of unconditional love because of my husband, and because of that, I’ve lived a full life. Imperfect, but full life. It’s such a blessing.

“I went through some anxieties and I worry about the health of my family, and so it’s important to stay mindful and know what your triggers are, and learn how to inhale and exhale.

“Spend time being alone and being still and being calm. It’s easy to say, but it’s quite difficult to do.

“You need a lot of self-discipline and a lot of self-care and you have to be kind to yourself.”

Nagsalita si Charo sa paglulunsad ng pinakabagong campaign ng Sunlife, “Partner in Health,” noong Biyernes, Pebrero 18, 2022, bilang isa sa mga ambassadors, kasama sina Piolo Pascual at Matteo Guidicelli.

Ipinagpatuloy niya na, “I was a mother at twenty-seven. I gave birth to my son and Sun Life was there to be my partner and make sure that the future of my children is secure.”

Panoorin. Be inspired!

Post a Comment

Previous Post Next Post