Kinilig rin ba kayo sa kanila?
Pinakilig nina Cho Yi Hyun bilang Choi Nam Ra at Park Solomon bilang Lee Su Hyuk ang mga manonood na nagpahayag na may chemistry umano ang dalawa sa hit Korean zombie series na “All Of Us Are Dead.”
Pero alam n’yo ba na inabot pala sila ng 17 takes para kunan ang kanilang kissing scene?
Sa isang video na inilabas ng Netflix Korea sa YouTube, ibinahagi ng cast ang ilang behind-the-scenes na kuwento kasama ang direktor na si Lee Jae Gyu at ang manunulat na si Chun Sung Il.

“I’m really sorry to Lomon. I couldn’t find where his lips were because I was closing my eyes,” sabi ni Yi Hyun nang mapag-usapan nila ang kissing scene.
“[I said] ‘Lomon, I’m really sorry but can we try one more time?’ Then he was like, ‘Sure,'” dagdag niya, at saka nagtawanan ang lahat.
Pinatawa tuloy ni Park Solomon ang lahat sa kanyang pag-amin kung bakit ito ang naging paborito niyang eksena sa palabas.
Ayon sa aktor, “Really before shooting that I was like, ‘I’m so nervous what do I do?’ But after the kiss, I realized, ‘So this is why actors do romance movies.'”

Mula nang ipalabas ito noong Enero 28, ang 12-episode na serye ay nangunguna sa listahan ng Top 10 ng Netflix sa 91 bansa, kabilang ang Pilipinas.
Basahin: Stars ng hit Korean series “All of Us are Dead’ biglang lobo ang followers sa Instagram atbp
Ilang linggo pa lamang mula nang nag-premiere ang Netflix original na ‘All of Us Are Dead‘ ngunit nag-trending agad ito mula pa noong unang araw.

Humakot din ng atensyon ang mga bida ng serye kaya’t hindi na nakagugulat na sa isang iglap ay lumobo ang bilang ng followers ng mga gumanap dito. Nabuo ang #SurvivingHighSchool hashtag dahil sa tema ng serye.
Panoorin ang nakakatawang sandali sa likod ng matamis na on-screen na halik.