Couple Jessy at Luis, walang prenup agreement

Sa pakikipaghuntahan ni host-actor Luis Manzano sa press at bloggers sa naganap na virtual conference ng #BEMORETHOUGHTFUL campaign ng Toblerone noong Pebrero 2 ay nabanggit niya ang ilang bagay kaugnay sa kanila ng misis niyang si Jessy Mendiola.

Nagustuhan umano ni Luis kung gaano kasimple ang mga request ni Jessy sa kanya tulad ng ipagluto niya ito ng steak. Aniya, para sa kanila, ang mga regalo ay hindi kailangang maging expensive.

Speaking of money, sina Luis at Jessy ay may kanya-kanyang investment pero parang old school route ang tinahak nila pagdating sa paghahati-hati ng kanilang mga ari-arian bilang mag-asawa. Ibinunyag ni Luis na wala silang prenuptial agreement ni Jessy at very candid siya sa pagpapaliwanag nito.

“Wala, wala, wala kaming prenup. Am I mad? No. It is realistic for people to have a prenup pero wala, wala kami.”

Sinabi ni Luis na handa na siyang maging daddy ngunit sa loob ng ilang buwan bago pa man sila mag-wedding anniversary (February 21) ay pinutakti na sila ng mga tanong at komento kung sinusubukan na ba nilang bumuo ng pamilya.

“There are questions na may nang iintriga talaga,” aniya sa isang ulat ng PEP.

“There are questions na alam mo na nang-aasar talaga,” dagdag pa niya.

“It wasn’t simply asking her if kailan kami magba-baby but people were bombarding her. Doon siya nai-i-stress na ‘bakit ka nag-work out?’ ‘Hindi pa ba kayo nag-try mag-baby? Bakit ka nagpapa-abs?”

Lumutang din ang mga ulat na ang ina ni Luis na si Vilma Santos ay humihingi na sa kanila ng apo at bagama’t may  katotohanan na gusto na nga ng Star for All Seasons ng apo, nilinaw naman nito na iginagalang ng kanyang ina ang kanilang ‘timeline’.

“People might believe that she’s pressuring me pero hindi naman. It’s just a loving mother na kahit papaano gusto na rin magka-apo,” kuwento niya. 

Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan nila ay ang kanilang mga vlog dahil kamakailan lamang ay naimpluwensyahan ni Luis ang kanyang ina na sumali sa celebrity vlogging community.

Post a Comment

Previous Post Next Post