Diether nagtamo lang ng kaunting galos; humingi ng paumanhin dahil sa aksidente

Nagtamo lang ng kaunting galos at bukol sa ulo si Diether Ocampo matapos mabangga ang kaniyang minamanehong sasakyan noong nakaraang Biyernes nang madaling -araw.

Sa personal na pahayag na inilabas ng aktor sa pamamagitan ng Star Magic, ikinuwento nito na galing siya sa isang meeting nang maganap ang naturang aksidente.

“On February 3, 2022, I had a long and exhausting meeting which lasted until almost midnight. As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck,” bahagi ng Kapamilya hunk.

Malaki umano ang pasasalamat niya na walang ibang nasaktan sa insidente.

“I am relieved that no one else got hurt and I apologize for any inconvenience I may have caused due to the unfortunate accident, especially to the other party,” patuloy ng 47-anyos na aktor.

“I am extremely grateful that I emerged unscathed except for a bump in the head and some bruises. I am very thankful for God’s continuous mercy and protection,” patuloy nito.

BASAHIN: Diether Ocampo sugatan matapos bumangga ang sasakyan sa isang truck sa Makati

Nagpapasalamat din si Diether sa lahat ng mga taong tumulong sa kaniya at sa team ng Philippine Red Cross na kaagad nagresponde sa lugar at nagsugod sa kaniya sa pagamutan.

Malaki rin umano ang kaniyang pasasalamat sa mga nars at doktor ng Makati Medical Center kung saan siya dinala.

“I am feeling better now and I have already been cleared to recuperate in private,” pagwawakas ng pahayag ni Diether. “Again, I wish to thank everyone for your prayers and well-wishes.”

Nauna nang naglabas ng pahayag ang Star Magic hinggil sa kalagayan ni Diet. Hindi na rin sinagot ng aktor ang dating napaulat na nakainom ito nang maganap ang aksidente at nagwala pa umano sa harap ng tauhan ng PRC.

BASAHIN: Star Magic naglabas ng pahayag hinggil sa kalagayan ni Diether Ocampo

Post a Comment

Previous Post Next Post