Tingnan: Sinayang meme-inspired billboard ni Alodia nasa EDSA na

Mula sa social media hanggang sa EDSA, malayo na nga ang narating ng “sinayang meme” na nagsimula sa popular cosplayer at gaming content creator na si Alodia Gosiengfiao.

Sa Facebook, ibinahagi ng celebrity gamer na mayroon na siyang sinayang meme-inspired billboard sa kahabaan ng EDSA. Aniya, “Hala! The sinayang/sinaing meme made it to EDSA billboards! Katinko relieves pain…puwede ba ito sa puso? Sino may gusto? Also, if you see this on the road, please tag me so I can repost! Thank you!”

sinayang meme alodia

Basahin: Alodia: Hi, ako nga pala ang sinayang mo

Matatandaang naging trending kamakailan sa social media ang post ni Alodia kung saan ginamit niyang caption ang popular expression na “ako nga pala ‘yong sinayang mo”; mga katagang agad naiugnay sa dating kasintahan niya na si Wil Dasovich.

sinayang meme alodia

“Hi. Ako nga pala ‘yong sinayang mo,” saad niya sa caption ng larawang ibinahagi sa kanyang mga followers. “What I prepared for the Arcane Red Carpet last time.”

Ayon sa social media users, malakas ang kanilang kutob na pinatatamaan ni Alodia si Wil sa caption na ito. Nakisali na rin sa pagko-comment ang kapatid ni Alodia na si Ashley.

“Tag ko na ba?” wika nito, na sinagot naman ni Wil ng, “’Wag na, nagbo-blow up na phone ko. Alam ko na. Naku po.”

Sa sarili niyang page, gumawa rin ng kanyang bersyon si Wil. Wika ng celebrity vlogger habang ipinakikita ang kanina sa rice cooker, “Hi, ako nga pala ‘yong sinaing mo.”

sinayang meme alodia

At dito na nagsimula ang napakaraming bersyon ng sinayang/sinaing meme na kumalat sa iba’t ibang social media platform.

Matatandaang ilang buwan pa lamang ang nakararaan simula noong ihayag ng dalawa sa publiko na tinapos na nila ang kanilang relasyon; na ikinalungkot naman ng napakarami nilang tagasubaybay, kabilang na ang mga supporter na nila simula pa lamang noong isapubliko nila ang kanilang relasyon ilang taon pabalik.

Post a Comment

Previous Post Next Post