Sa episode ng Cristy Ferminute ay napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika ang tungkol sa post na ibinahagi ni Dawn Chang patungkol kay Toni Gonzaga nitong Pebrero 10.
Nakuha ng ABS-CBN talent ang atensyon ni Cristy matapos niyang isapubliko ang sarili niyang opinyon kay Toni Gonzaga, partikular ang yugto na ipinakilala ng huli si Rep. Rodante Marcoleta sa BBM proclamation rally.

“Nagpapa-righteous at sikat itong si Dawn Chang,” wika ni Nay Cristy “Di ba ‘yun ‘yang dancer?” tanong pa niya.
“Talent din po ng ABS-CBN,” tugon ni Romel Chika, ang partner ni Cristy.
“Oo nga, dancer ‘yan na nasa ano dati, sa lunch time show nila,” dagdag ng talk show host.
Sinabi pa ni Nay Cristy na alam niya kung paano ito nagkaroon ng trabaho, “Itong si Dawn Chang, kaya nagkakaroon ng mga trabaho ‘yan, alam na alam sa ABS.”

“Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? Eh pa bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss,” dagdag pa ni Cristy.
Gigil na sabi ni Nay Cristy nang pabiro, “Naku ha, Dawn Chang. Tumigil ka nga. Dawn Chang me, Dawn Chang me charot!”
Kamakailan ay nadismaya at prangkang ipinahayag ng dating PBB housemates na si Dawn Chang sa kanyang Instagram account ang kaniyang naramdaman nang suportahan ng dating main host ng reality show na si Toni ang kandidatura ng UniTeam, na pinangungunahan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.
Sinabi ng Certified Kakampink na si Dawn sa kanyang IG post, “It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga.”
Samantala, mukhang wala namang keber si Toni Gonzaga sa mga tiradang natatanggap niya kaugnay sa pagsuporta sa kandidatura ni BBM. Nag-post pa siya sa kaniyang IG story ng ‘You’re welcome, my President’, na patungkol sa ineendorsong kandidato. Ninong nila ng mister na si Direk Paul Soriano sa kasal si BBM. Si Direk Paul naman ang siyang nangasiwa sa produksyon ng UniTeam proclamation rally.
Panoorin (48:5):
