Habang nangangampanya si Presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng isang motorcade, makikitang namimigay siya ng bulaklak sa kanyang mga supporters sa Manila. Ngunit isang ‘turon’ episode ang lumikha ng ingay sa mundo ng social media. Ito ay nang maaktuhang tila binato ng turon ang Mayor ng Manila.
Sa video na in-upload ng isang Tiktok user na si @kenneth.andrew, makikitang may isang supporter na hindi nakita ang mukha na pilit na nag-aabot kay Yorme ng isang pirasong turon na nakasilid pa sa plastic labo. Hindi niya ito tinanggap at ipinukol na lamang ng supporter ang turon sa kanya kung saan ay tinamaan ito sa kanang braso.

Hindi naman ininda ni Isko ang tama ng turon at tila hindi rin nito napansin na ipinukol ito sa kanya dahil abala ito sa pamimigay ng bulaklak. Mukhang hindi rin naman napansin ng mga nakapaligid kay Isko ang pangyayari.
Ayon sa mga netizens, nabastusan sila sa ginawa ng isang supporter ni Isko. Saad ng marami, kahit sino pa ang gustong suportahan nito, dapat respetuhin pa rin ang ibang tumatakbo sa pagka-presidente o ano mang posisyon.
“Alam ko may kanya-kanya tayong gusto. Pero dapat respetuhin pa rin natin sila.”

“Bbm ako pero, nabastusan ako sa ginawa sa mayor ng Maynila.”
“Hindi sa ayaw niya, siguro baka naka mind set siya na baka ma poison siya. Think deeper lang.”
“Kung minsan nga naman ang tao wala talagang magawang katinuan, sabihin man natin kung ayaw sa kandidato na dumaan sana irespeto na lang, hindi ‘yong tapunan mo ng turon, hindi siguro alam ng nagtapon na kahit turon ang kanyang tinapon, pagkain pa rin ito at kanyang sinayang.”

Komento pa ng isang netizen, siguro ay hindi raw intensiyon ng nagpukol na manakit; bagkus ay baka nagmadali ito na maiabot dahil papalayo na ang sasakyan.
“Hindi naman siguro intensiyon na manakit ‘nung tao. Kaya lang sa pagmamadali niya maiabot at papalayo na ang sasakyan, hinagis na lang niya.”
“Inaabot kasi niya pero di kinuha kaya binato na lang pero bad pa rin yan ha.. Respeto na lang din sana bilang isang tao.. kinain mo na lang sana, busog ka pa.”
@kenneth.andrew Ayaw mo turon, Yorme? Tapon ko ‘to sayo 😂 #yorme #iskomorenodomagoso #fyp #godfirst ♬ Oh No – Kreepa