Ang direktor na si Paul Soriano ay ipinagmamalaking ibinahagi sa kanyang Instagram stories ang pagbati sa kanyang maybahay na si Toni Gonzaga-Soriano.
Ito ay matapos umabot sa mahigit 5 milyong subscribers ang TGS o Toni Gonzaga Studio, ang YouTube channel ng 38-year-old actress at TV host. Bukod sa vlogs, dito rin ipinapalabas ang kanyang online talk show na “Toni Talks”.
“Congrats to @celestinegonzaga @acacsales and the ToniTalks team,” nakasaad sa kanyang IG stories.

Pagkatapos ng kabi-kabilaang batikos, at gayundin ng pagbuhos din ng suporta sa aktres ay lumobo naman ang subscribers ng kanyang Youtube channel.
Umabot na sa mahigit limang milyong subscribers ang YT Channel ng tinagurian ng mga netizens na #UnbotheredQueen na si Toni.
Noong Setyembre 2021 lamang nakamit ni Toni ang apat na milyong subscribers. Makalipas ang limang buwan, nadagdagan pa ito ng isang milyon.
Samantala, masayang ibinahagi rin ng TV host ang kanyang YT at Instagram milestone at nagpasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanya.
“THANK YOU. We have reached 7 million Instagram followers and 5 million YouTube subscribers.”
“Grateful for your support. Thank you!” ani Toni sa kanyang IG post.

Basahin: Toni Gonzaga nagpaalam na sa PBB
Kamakailan ay ikinumpirma naman ito ni Toni sa isang Instagram post kung saan nagpasalamat siya kay “Kuya” sa 16 years na nagsilbi siyang host ng PBB.
“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today I am stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy,” pahayag ni Toni.

Related: Toni Gonzaga dapat nang mag-resign sa ABS-CBN?
Basahin: Toni Gonzaga nag-host sa proclamation rally ng UniTeam nina Bongbong at Sara
Matapos itong naging host nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice-presidential aspirant Sara Duterte sa proclamation rally bilang kick off sa kanilang kampanya noong Martes, Pebrero 8.