Kamakailan ay nagsulat si Cristy Fermin ng ilang maalab na pahayag sa ama ni James Reid na si Malcolm Reid kaugnay sa post nito tungkol pagtungo ng aktor sa US.
Ito’y matapos pabulaanan ni Malcolm ang mga ulat na ang aktor ay mananatili na umano sa United States ‘for good’ para hanapin ang mas magandang kapalaran.
Sa kanyang column na inilathala sa Pilipino Star Ngayon noong Martes, nagsulat si Cristy ng komentaryo na may pamagat na, “Tatay ni James, consistent sa pagiging epal!”

“Ayan, nagalit ang tatay ni James Reid, fake news daw ang mga naglalabasang kuwento na sa Amerika na hahanapin ng kanyang anak ang magandang kapalaran.”
Basahin: James Reid nagtungo na sa LA para sa bagong yugto ng kanyang pangarap?
“Dadalawin lang daw ni James ang kanyang kapatid, hindi raw siya maghahanap ng trabaho sa bansa ni Uncle Sam, sabi pa ng kanyang tatay,” saad ng showbiz columnist.
Ipinaliwanag ni Cristy kung bakit tinawag niyang “epal” ang ama ng singer-actor.

“Hindi na nakapagtataka ang pakikisawsaw ng ama ni James Reid sa issue. Kahit naman nu’ng kasagsagan ng popularidad niya ay laging kasali ang tatay niya sa maraming kuwento.”
Dagdag pa ni Nay Cristy, “Stage father ang tatay ni James, palagi itong kasali sa aksiyon, na ikinaiirita ng mga nangangalaga sa career ng binatang aktor.”
Basahin: Ama ni James Reid, pinabulaanan ang balitang ‘for good’ na ang aktor sa US
Kamakailan kasi ay pinabulaanan ng ama ni James Reid ang mga usap-usapan na mananatili na sa USA ang kanyang anak.

Itinama ni Malcolm ang mga ulat na si James ay permanente nang mananatili sa Amerika upang ituloy ang kanyang career doon.
“With James at NAIA a few days ago,” isinulat ni Malcolm sa caption.
Aniya, ang aktor ay lumipad sa Los Angeles para sa mga recording sessions nito at upang bisitahin na rin ang kapatid niyang si Andrew Reid.
“On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it,” wika ng ama.
“Anything else is basura … Sorry to disappoint the fake newsmakers,” mariing bitaw ni Malcolm.