#SanaAll: Abdul nag-bike mula Marikina hanggang Pasig para dalhan ng pagkain si Shayne

Hindi raw matatawaran ang efforts ng Kapuso actor na si Abdul Raman sa kanyang onscreen partner na si Shayne Sava. Kuwento ni Shayne, umabot sa punto na nagbisikleta si Abdul mula Marikina hanggang Pasig para lamang dalhan siya ng pagkain.

Sa isang online press interview, ibinahagi ni Shayne na hindi nalalayo sa tunay na buhay ang sweetness na nakikita ng mga manonood sa kanilang mga eksena. Aniya, napalapit na siya sa aktor kaya kitang-kita at damang-dama niya kung paano ito mag-alaga.

“Noong naging close kami, nakita ko na ibang-iba po pala siya sa first impression ko kasi sobrang caring niya. Siya yata ‘yong pinakakilala ko na sobrang caring,” wika ng young actress.

shayne abdul

Madalas daw tanungin ni Abdul si Shayne kung kumain na ba ang dalaga at may isang beses pa na ito mismo ang nagdala ng pagkaing inorder niya.

“‘Kumain ka na ba? Papadalhan kita ng pagkain,'” pagbabahagi niya. “Sobrang thoughtful po talaga. Inorderan niya ‘ko ng pagkain. From Marikina to Pasig, dinala niya sa’kin, naka-bike lang siya.”

“Sabi ko, ‘Hala, grabe ‘yong effort niya for me.’ Sobrang na-appreciate ko po talaga si Abdul,” wika niya.

Bukod pa rito, dahil nasa gitna ngayon ng pandemya, palagi rin daw kinukumusta ni Abdul ang lagay niya.

“Tinatanong niya po ako lagi kung kamusta na po ako and sobrang na-appreciate ko ‘yon kasi pandemic,” sabi ng aktres.

shayne abdul

Ayon kay Abdul, ginagawa niya ang lahat para tiyakin na maayos ang lagay at magaan ang loob ni Shayne sa ganitong situwasyon.

“Naisip ko lang kasi if I’m struggling then sure, nag-i-struggle din si Shayne. That’s why I was regularly checking on her, making sure she’s all right,” he said.

Noong nakaraang Valentine’s Day, sinurpresa ni Abdul si Shayne ng isang samgyupsal date sa isang lugar na may magandang tanawin sa Antipolo.

“Alam n’yo naman si Shayne, tirador ng lahat ng samgyupsal sa buong ‘Pinas, so I decided it would be the perfect place para dalhin siya ro’n,” ani Abdul. “Ang hindi niya lang alam, meron akong dala sa kanyang flowers. “I just find it sweet na cute ng ngiti, reaction niya when I got her the flowers.”

shayne abdul

Post a Comment

Previous Post Next Post