Derek Ramsay, napagkamalang may kasamang iba: ‘Kaya nachi-chismis na playboy ako e’

Ito marahil ang isa sa mga pinakanakakatawang karanasan ng aktor na si Derek Ramsay sa roadtrip nila ng kanyang may bahay na si Ellen Adarna.

Sa kanyang  Instagram stories, ibinahagi ng aktor na tinanong siya ng tollgate attendant kung ang babaeng kasama niya sa kanyang sasakyan ay asawa niya at hindi ibang babae.

“We just went through the tollgate and then the guy asked, ‘Si Ellen po ba ‘yung kasama niyo?’” saad ng lalaki.

Bigla namang sumabat si Ellen at sinabing, “No, his kabit!”

Nagbiro tuloy si Derek. “Sorry, sir, that’s my kabit.”

Ang 45 taong gulang ay nagbiyahe kasama si Ellen at pareho silang natatawa sa nangyari.

“Grabe. I don’t know what to say. Kaya nachi-chismis na playboy ako eh,” natatawa habang ipinagpatuloy ang kuwento.

Ang ibinahaging video ng Philippine Star na mula sa IG Stories ng aktor ay humakot ng maraming komento at 242k views, as of posting.

Ang mag-asawa ay nagtungong Pangasinan upang ipagdiwang nang maaga ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan.

 

“Almost one year together @maria.elena.adarna,” saad sa Instagram ni Derek.

Basahin: Ellen, Derek nagdiwang ng unang anibersaryo bilang magkasintahan

Kamakailan ay nagpalitan ng sweet messages sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa pagdiriwang nila ng unang anibersaryo bilang magkasintahan.

“Happy first year, my love, as your boyfriend. Looking forward to our first year as your husband. I love you,” sabi ni Derek sa kaniyang Instagram post.

Hindi nagpahuli si Ellen at nagbahagi naman ng then and now video at photos nila ng asawa. Inasar niya rin ang asawa na “gigil na gigil” daw na pakasalan siya.

“Then (same day last year) and now. If you didnt marry me in a heartbeat, today would be our 1st year anniversary together (boyfriend-girlfriend)… but, gigil na gigil ka. Happy Anniversary, ex-boyfriend. I love you,” caption ni Ellen.

Ikinasal si Ellen Adarna kay Derek Ramsay noong Nobyembre 11, 2021.

Post a Comment

Previous Post Next Post