Matatandaang lumipad si Diego papuntang Amerika at mahigit isang buwan na siyang nagbakasyon kasama ang mga kaibigan at kaanak.
Nabanggit ng aktor sa nakaraang mediacon ng una niyang pelikula para sa 2022 na “The Wife” na nagugustuhan niyang tumira sa Amerika. Sa katunayan ay naghahanap umano siya ng matitirhan at ng trabaho dito.

Bilang artista at talent ng Viva Artist Agency na may mga prior commitment ay kinailangan niyang bumalik ng bansa dahil in two or three weeks ay may sisimulan siyang pelikula.
Sa ginanap na “Adarna Gang” zoom mediacon ay natanong si Diego kung kumusta na siya ngayon. Matatandaang katatapos lamang niya sa isang relasyon nitong nakaraang taon.
“I’m in a very good point. I’m loving my job. I’m loving my career. I’m happy and I had the best vacation of all time (tumatawa). It was so good. I love the States and you know I had plans prior to 2022.”

“Well, you know in life sometimes not everything goes to plan so I have to re-assess. I had to see where I want to go again now that things have changed. What I’m gonna do, where I’m working for, what I’m doing all these for like one-year plan, two-year plan, five years (from) now what I’m gonna be,” kuwento ng aktor.
Nabanggit niya na habang nasa Amerika siya ay napag-isip niya kung ano talaga ang mga gusto niya sa buhay.

“I feel like a new me, although physically right now I feel sick. I don’t know, I guess it’s the jetlag. I got sipon and a cough but aside from those physical things my mind is in the right place, my heart is in the right place and I am a very happy guy, so, everything’s good,” dagdag pa niya.
Ang “Adarna Gang” ay mapapanood na sa March 11 sa Vivamax mula sa Viva Films at ito ay idinirek ni Jon Red.
Panoorin ang mediacon: