DIY wind turbine, ginawa ng estudyante para ilawan ang tahanan

Sa araw-araw na pamumuhay natin ay napakahalaga ng kuryente dahil ito ang nagbibigay liwanag sa loob ng ating tahanan.

Matatandaang sinalanta ng bagyong Odette ang Visayas noong Disyembre 2021.

Marami ang nawalan ng kuryente dahil sa malaking pinsalang iniwan ni Odette. Isa na rito ang pamilya ni Kyle na nakatira sa Southern Leyte.

Pero imbis na magtiis sa dilim ang pamilya ni Kyle ay gumawa na ito ng paraan. Gumawa ito ng ‘DIY windmill,’ ayon sa January 27 niyang Facebook post, gamit lamang ang elesi ng lumang ceiling fan para magkaroon ng ilaw ang kanilang tahanan.

“Naisipan ko ito after bagyong Odette. Hanggang ngayon walang kuryente ‘yung bayan namin,” ani ng 16-anyos na si Kyle sa isang video na ibinahagi ng GMA.

“Nagka-idea ako na gumawa ng isang DIY windmill para po magkailaw at may magamit kami. Grade 8 ako sa science, may class kami about sa electricity.”

“In-apply ko ‘yung ideya na ‘yon para magkailaw kami,” dagdag pa niya.

Laking tuwa naman ng mga kapitbahay ni Kyle nang ibinahagi niya ang kaniyang DIY wind turbine.

“After three days nagkailaw na kami. Daming natuwa nga paano ko raw ginawa.”

Enero 14 nang masaya niyang ibinahagi sa FB na ang isa niyang imbensyon ay naging matagumpay. “Marami nang bahay ang napailaw dahil sa diy ko na yan. – madali lang yan gawin.”

Ayon sa science communicator na si Harlee Quizzagan, nakagawa DIY wind turbine ni Kyle sa parehong paraan na nakagagawa ng kuryente ang windmills.

“Ang possibility of using home appliances such as electric fan for catching energy from the wind and creating electricity out of it, it’s very possible.”

“It works in the same mechanism as paano gumagana ‘yung big wind turbines na nakikita natin sa windmills farms,” dagdag pa niya.

Ang naimbento raw ni Kyle ay nakagagawa ng kuryente gamit ang wind energy. Sa tulong ng hangin ay napapaikot ang elesi ng electric fan na nakakonekta sa isang generator.

Ang pag-ikot ng elesi ang nagpapaandar sa generator para makagawa ng kuryente.

“Mas maganda isipin dito na hindi necessarily ‘yung size ng fan or anything but to combine several factors para mas ma-maximize pag-capture niya ng energy from wind,” paliwanag ni Harlee.

“Siyempre kapag mas madami siyang na-capture na wind energy mas malaki rin ‘yung energy output na puwede niyang i-generate.”

Bukod sa DIY wind turbine, nakagawa rin daw siya ng DIY power bank gamit lamang ang isang lumang baterya ng motorsiklo.

Mahilig daw talagang magbutingting ng mga gamit si Kyle. Pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral para maging isang engineer at upang makatulong sa kaniyang pamilya.

Panoorin ang ibinahaging video ng Kapuso Network via YouTube:

Post a Comment

Previous Post Next Post