Mukhang okay na ang mag-asawang sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Sa Instagram, nagbahagi ng ilang larawan ang aktres na tila kuha sa isang pictorial. Marami namang followers ang nagbigay ng mga positibong komento dito, pati na rin ang kanyang asawa na si Tom noong Biyernes.
“I love you!” reaksyon ni Tom na may kalakip pang tatlong pusong emoji. Pinusuan naman ng mga followers ang naturang komento na nasa mahigit 3.3K likes na.

Maraming tagahanga ang natuwa sa kinomento ng aktor na tila pasilip na nagkaayos na ang dalawa. Sana nga!
“@akosimangtomas @carlaangeline the comment that I am looking for since that “rumor”/fake news spread out.”
“Finally!”
“‘Yung para kang nabunutan ng tinik sa comment na ito. The rumor got me so worried huhu. Love you both!”
“Isa ang #TomCar sa dahil kung bakit naniniwala pa din ako sa love.”
Ngunit may mga followers pa rin ang nalulungkot dahil wala daw reply si Carla kay Tom, “Bakit walang love you back?”

Basahin: Carla Abellana hindi na suot ang wedding ring sa kanyang bagong vlog
Kamakailan, sa kanyang huling vlog ay napansin ng netizens na hindi na nga nito kasama ang asawang si Tom sa video. Gayundin, napuna ng kanyang subscribers sa YT na wala siyang suot na wedding ring, gayung sa mga nakaraang vlog episodes niya ay suot niya ito.
Ilang “TomCar” fans ang nag-iwan ng mensahe para sa mag-asawa sa comments section ng vlog ni Carla. Marami rin naman sa kanila ang nagpahayag ng pag-asa na magiging okay din ang mag-asawa kalaunan.

Basahin: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?