Kalat na sa social media ang nalalapit na kasal ng aktres na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend sa buwan ng Marso taong kasalukuyan.
Ito’y matapos kumalat sa online world ng isang larawan ng marriage banns kung saan ay makikita ang kanilang larawan ng nobyong si Mateo Lorenzo, mga pangalan nila at ng kanilang mga magulang.
Ang Marriage Banns ay anunsiyo sa isang simbahan upang maipaalam sa nakararami ang nalalapit na kasal.

Batay sa inilabas na litrato ng nakapaskil na marriage bann, nakatakda ang kanilang pag-iisang dibdib sa Marso 23, 2022.
Magaganap ang kasalan sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City, ngunit wala pang komento o sinasabi ang 31-anyos na aktres kaugnay sa lumabas na balita.
Sa Twitter ay ipinost ng Kapamilya Online World, “JUST IN: Kapamilya Star Erich Gonzales to Settle Down, Netizens Spot Wedding Banns of Actress and Mateo Lorenzo”

Ayon pa sa Kapamilya Online world, taong 2018 nang unang ipinabatid ni Erich Gonzales ang pagkakaroon niya ng non-showbiz boyfriend at ito nga ay si Mateo Lorenzo, Noong una pa man ay hindi siya nagbibigay ng impormasyon patungkol dito lalo’t hindi naman taga-showbiz si Mateo na 29-anyos.
Gayunpaman, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang nagpahayag at bumati sa nalalapit na kasal ng aktres.
“Ang low key nilang dalawa. Hindi mapost sa social media. Good job. Congrats! Sa ganito talaga nagkakabistuhan din eh. Kasi kailangan ipaskil at i-announce yan basta church wedding.”
“In fairness gusto ko sila. Hindi sila kagaya ng iba na papansin sa social media. Low-key lang sila kaya lang wala talagang maitatago dahil sa banns. Happy for you Erich! Congratulations! Gosh inunahan nyo naman mag announce itong mga maritess talaga. Congrats Erich.”

Matatandaang taong 2017 naman namg maghiwalay sila ng kaniyang kasintahan noon na si Daniel Matsunaga.
Huling napanood si Erich sa teleseryeng La Vida Lena. Ginawa niya rin ang seryeng The Blood Sisters noong taong 2018.
Kamakailan ay namaalam na ito sa La Vida Lena:
View this post on Instagram