Isang magsasaka mula sa Southern Leyte ang hinahangaan ngayon matapos nitong magsauli ng napulot na wallet.
Sa mga kuhang larawan ng Pulis Sa Hinunangan Facebook page ay makikita ang magsasakang nag-turn over ng wallet na may perang aabot sa P1,300 at 2 dollar bills.
Anila sa kanilang post: “Lost and Found wallet!

Early this morning of February 16, 2022, one Joselito Degamon personally appeared before this office and turned over Brown Wallet(COACH Brand) with money amounting 1,300.00 more or less ( in different denomination)and one 2$ dollar. The item was found at Bagsakan, Brgy. Labrador, Hinunangan, Southern Leyte.”
Hindi pangkaraniwan sa panahon ngayon na isauli pa ang napulot na mahalagang bagay, lalo pa’t wala namang contact numbers at walang address ng may-ari.
Natagpuan umano ng magsasaka ang wallet na naglalaman ng pera sa Barangay Labrador.
Nanawagan ngayon ang mga awtoridad sa may-ari na lumapit sa istasyon ng pulisya para makuha ang napulot na wallet.
Ayon pa sa pulisya, patunay ito na kahit anuman ang katayuan sa buhay kayang maging tapat ng isang tao.

Siya namang tunay! May mga tao talaga na kahit malaki o maliit na halaga ay talagang ibinabalik sa tunay na may ari ang mga gamit o perang napupulot.
Hindi natin alam kung ang taong nakawala nito ay may matindi ring pangangailangan kaya’t mas mainam na piliin ang maging mabuti.
Kadalasan, may mga nawawalan ng pitaka o bag na nakikiusap sa mga nakapulot na sa kanila na lang ang pera pero ibalik na lang ang mga laman nitong mahahalagang papeles, lisensya, identification card, credit cards o ATM cards. Napakalaking abala kasi ang muling kumuha ng mga ganoon.

Sa kabila ng kahirapang nararanasan ng marami ngayon, ang mga kuwentonng nagpapaalala sa kabutihan ng tao ang mas kailangan nating malaman ngayon bilang inspirasyon.
Wala mang pangalan o pagkakakilanlan ay mas pinili ni kuyang magsasaka na gawin ang tama.
Saludo kay kuyang magsasaka, dahil diyan ay mas pagpapalain ka. God bless you!