Naging ‘Expection vs Reality’ ang nangyari sa mga customer kaugnay sa kanilang pinagawang wedding gowns at mga suits sa isang designer.
Ang isang designer ay madalas na gumaganap ng isang malaking papel sa mga espesyal na okasyon tulad ng mga debut at kasal. May mga taong gumagastos ng malaking halaga upang maipagdiwang nang bongga at maganda ang kanilang espesyal na araw.
Sa isa sa mga pinakabagong episode ng Raffy Tulfo in Action, napag-alaman na apat na magkakaibang customer ng designer na si Julius Ceasar Samson Ulanday ang inireklamo ng mga customer nito.

Si Careydan, isa sa mga nagrereklamo, ay isinalaysay kung paano umorder ang kanyang pamilya ng wedding gown at iba pang suits na gagamitin sana mula kay JC na may ari ng pagawaan ng mga espesyal na kasuotan.
Ayon kay Careydan, nag-alok ang designer ng tone-toneladang promo ngunit ang naging resulta ay isang malaking kapalpakan dahil masyadong malaki o kaya’y maliit para sa kanila ang mga gown at suit na gagamitin sana sa nalalapit na kasal.
Bukod dito, ang mga gown at suit na kanilang natanggap ay hindi tumugma sa unang disenyo na kanilang ipinakita na labis na ikinadismaya ng kanilang pamilya.

“In total po, ang binayad namin sa kanya is 113,000, but aside from that po, we even recommended him to our ninang and ‘yung sa ninong po namin. Nakakuha pa rin po siya ng ibang client from us but apparently, all of us experienced the same thing.”
“One week before the wedding po, we were still looking for clothes that everyone was going to wear,” saad ni Careydan.
Sa video, isiniwalat naman ni Allelie Reyes, isa pang complainant, na Php 98,000 ang utang ni JC sa kanila habang Php 32,500 rin ang utang niya sa isa pang customer na nagngangalang Angelyn Vivas at Guia Arkangel.

Marami na rin pala ang nawindang na mga customer sa mga gawa ng designer. Kung hindi man magawan nang maayos ay sinasabi pa umano nito na ire-refund sa kanila ang pera subalit wala namang nangyayari at naging paulit-ulit na lamang ang rason ni JC na humantong at nakarating sa programang Raffy in Action.
Tinawagan ng programa ang designer subalit hindi ito sinasagot ng lalaki. Nagbigay lamang ito ng mensahe na magsasalita ito kaugnay sa mga inirereklamo, ngunit sa huli ay hindi na ito nagsalita.
Panoorin ang video sa Raffy Tulfo in Action: